Para sa mga Ignoranteng 90s Kids

by snap2104

Kahit di ka 90s kid, kasama ka rin dito kung naniniwala kang mas maunlad, mas mapayapa at mas maayos ang Pilipinas kung si Ferdinand Marcos ang pangulo natin.

ignorant adjective \ˈig-n(ə-)rənt\ – lacking knowledge or comprehension of the things specified; also resulting from or showing lack of knowledge or intelligence; in Tagalog, kulang sa talino o kaalaman. Source: Merriam Webster.

Ngayon, magbasa kayong mga ignorante kayo para malaman n’yo kung ga’no kasama ang Marcos na iniidolo ninyong mga ignorante kayo. Ignorante. Hayaan n’yong bigyan ko kayo ng crash course sa pagiging trash nitong si Marcos.

Gago ka ba, Sankage Steno? Pinakamayaman kaya sa Asya ang Pilipinas noong panahon ni Marcos.

Gago nga siguro ako, pero hindi ako naniniwalang Marcos is the best thing that happened to the Philippines. Bakit?

Noong 1950s at early 1960s, bago naging presidente si Marcos, second ang Pilipinas sa Japan in terms of economy (Source). Ang utang lang ng bansa natin noon ay $1 billion. Pero nang maging presidente na ‘tong si Marcos, lumobo ang utang natin sa $28 billion at naging “sick man of Asia” ang Pilipinas (Source).

Ta’s sasabihin mo pinakamayaman ang Pilipinas sa Asya? Sinong gago sa ‘tin ngayon?

Pero aminin mo, maraming naipatayong infrastructure si Marcos noon.

Oo, marami nga s’yang napatayong tulay, kalsada at mga gusali (San Juanico Bridge, NLEX, CCP, Heart Center, Lung Center, etc.), pero lahat ‘yon ay galing sa utang. Nagbabayad pa rin tayo ngayon at magbabayad probably hanggang 2025 or longer. Bukod pa d’yan, corrupt ang lahat ng kontrata na “binuo” para sa mga proyekto n’ya (Source).

Dahil sa pangingielam ni Marcos at ng kanyang pamahalaan, yumaman ang iilang pamilya na mga kaibigan n’ya o crony. Nagkaroon ng monopoly sa ilang industriya. At nang matapos ang 1970s, karamihan sa mga negosyo sa bansa ay kontrolado lamang ng 81 pamilyang ka-close ni Marcos (Source).

E basta, nung panahon naman ni Marcos, tahimik at payapa ang Pilipinas.

Sigurado ka? Martial Law noon, so natural, pinasara ang media. Yung ilang natira e kontrolado ni Marcos. Syempre bawal magbalita ng kaguluhan at kahit anong bad news. Lalabas ngayon na payapa nga ang bansa, pero ang totoo, marami ang dinakip, hinuli, tinorture at pinapatay ng militar sa utos ni Marcos.

Lahat ng opposed sa kanya, lahat ng kaaway n’ya e pinadampot n’ya. Walang trial, guilty ka kaagad. E pa’no suspended ang writ of habeas corpus. Ang pulis at judge mo ay ang militar, ang mga sundalo, at lahat sila ay sunud-sunuran kay Marcos (Source).

Baka naman sa Metro Manila lang ‘yan. Sabi ng lolo at lola ko, peaceful daw sa probinsya. Di tulad ngayon, may NPA pa.

Sabihin mo sa lolo at lola mo, basahin din nila ‘to. Dahil nung naupo si Marcos, lalong tumaas ang mga bilihin, dumami ang mga walang trabaho at maraming taga-probinsya ang napilitang lumipat sa Maynila o mag-OCW (overseas conrtact workers na ngayon ay OFW na). In short, lalong dumami ang mahihirap na Pilipino.

Dahil sa kahirapan, lumaganap ang violence at krimen, pero hindi binabalita sa dyaryo, radyo o TV kasi bawal. At dahil din sa kahirapan, nabuo at namayagpag ang Communist Party of the Philippines sa mga probinsya para ipaglaban ang karapatan ng mga api at dukha, at para ibalik ang karapatan at kapangyarihan sa madla. Katulong nila ang military wing nila na New People’s Army. Kumalat sila sa buong Pilipinas (Source).

Ibig sabihin dahil kay Marcos kaya may NPA? ‘Wag mo sabihing pati MNLF at MILF dahil din kay Marcos?

Para sa isang ignorante, tama ka. In a way kasalanan din ni Marcos kung bakit nabuo ang Moro National/Islamic Liberation Front. At, take note, may kinalaman ‘to sa Sabah issue natin ngayon.

Noong 1968, ‘yung ilang Muslim, Tausug at Sama sa Tawi-Tawi at Sulu ay na-recruit para maging part ng special commando unit na tinawag na Jabidah. Ang misyon nila ay bawiin ang Sabah at tinawag itong Operation Merdeka (Operation Freedom). Ipinadala sila sa Corregidor Island para du’n mag-training (Source).

After a couple of weeks, napansin ng mga Moro recruits na iba ang treatment sa kanila, hindi pinapasweldo at nakakasuka ang pagkain at nakahiwalay sila sa ibang sundalo. Hanggang sa nalaman nila ang totoong misyon nila sa Sabah: ang patayin ang mga kapwa Pilipino roon o mga Muslim, pati sa Tawi-Tawi at Sulu, na ang iba ay kamag-anak o kaibigan nila.

Nang malaman nila ang totoong mission nila, nagtangka silang tumakas. Doon na sila tinambangan at na-massacre ng militar. Syempre, dahil under kay Marcos ang militar noon, lahat ng actions nito ay may go signal mula sa kanilang commander in chief. Mga 14 to 68 na Muslim ang pinatay ng militar. Ito ang tinatawag ngayon na Jabidah Massacre.

May ilang Moro ang nakaligtas, at isa rito si Jibin Arula. S’ya ang nabuhay para isalaysay ang nangyari sa Corregidor na pilit itinago ng militar at ng rehimeng Marcos. Dahil din sa pangyayaring ito, nanlaban ang mga Moro at nabuo ang MNLF, which, in turn, ay nagkaroon ng ibang paksyon called MILF (Source).

Grabe ka, Sankage Steno! Sinisiraan mo lang talaga si Marcos kasi maka-Aquino ka.

Anong sinisiraan? Walang kinalaman dito ang pagiging pro-Aquino ko. Maliwanag ang mga sources ko at malinaw ang history sa kung ano ang mga ginawa ni Marcos noon. Ang pinakamasaklap n’yan, hanggang ngayon e hindi pa rin nasosoli ang mga ninakaw nilang pera noon.

Well, masaya ako somehow dahil nabayaran na ang ilang human rights victims ni Marcos noong Martial Law (Source). Masaya rin ako kasi binasura ng US Court of Appeals for the Ninth Circuit ang apela ng mga Marcoses para sa pagbabahagi ng mga ari-arian nila na galing sa kaban ng bayan. Malaking halaga rin ‘yung babayaran ng mga Marcoses, $353.6 million (Source).

Sana lang talaga bayaran nila. At sana panagutan nila ang iba pa nilang krimen na nagawa noon. Pero ang pinaka-wish ko talaga ngayon, sana maintindihan ng mga taong hindi nakaranas ng Martial Law ang kasamaan ni Marcos at magsumikap silang huwag nang ulitin ito at huwag nang iboto ang mga Marcoses sa susunod na eleksyon.

About these ads