Donut na Pangmahirap

by Sankage Steno

Tuwing umaga, bago pumasok sa trabaho, e bumibili ako ng almusal sa panaderyang nadadaanan papunta sa Bonifacio Global City. Simpleng bakery-slash-grocery store lang naman sya na puno ng mga tinderang, feeling ko e, galing ng probinsya.

Wait a minute, halos lahat naman ng taga-Maynila e galing ng probinsya. Irrelevant observation.

Anyway, hindi yun ang punto — ha ha! pun — ko. Ang gusto kong i-point out ay yung tinda nilang tinapay na paborito ko. Ito ang catch: hindi ko alam ang tawag sa tinapay na yun, pero tinawag namin ito ng mga kaibigan kong “donut na pangmahirap.”

Unang kamalian: Hindi sya donut dahil di naman butas ang gitna ng paborito kong tinapay. Ikalawa: Hindi rin sya pangmahirap dahil mas mahal naman ito (P6.00) sa pan de sal (P2.50) at lalong di nakukuha nang libre (P0.00). Tinawag lang namin syang “donut na pangmahirap” dahil medyo kalasa nya yung talagang donut na tinitinda sa mga lokal na panaderya at dahil sa kasaysayan ng “chicken na pangmahirap” na ikukwento ko na lang sa ibang blog dahil baka umepal pa sya at matabunan ang topic ko talaga.

So, ayun, kilala na natin si donut na pangmahirap. Ang nakakatuwa pa sa tinapay na ito e it comes in two different shapes (round and oblong) and three exciting fillings (cheese, ube and chocolate)! Exciting sya talaga kasi you won’t know kung anong palaman nya unless kagatin mo na.

Yeah, yeah, what if itanong na lang kamo sa tindera kung anong flavor ang nasa loob ng donut na pangmahirap? Subukan mo, pero I tell you na more often than not e mali rin ang hula ng tindera. Hindi rin sigurado ang mga mortlayk.

Yeah, yeah, what if tandaan mo na lang kamo yung pwesto ng tinapay sa kanyang estante nang hindi ka nalilito? I tried that pero waepek din, tsong! Nung minsang ginawa ko ‘yan, tinandaan ko talaga na nasa second column sa first row ng estante yung favorite kong chocolate-flavored donut na pangmahirap. The next day, nung tinuro ko ulit sa tindera at umorder ng tatlong piraso, pagkagat ko e ube pala yung laman! Nakaka-frustrate! Alam mo yung feeling na yun? May ineexpect ka tapos biglang iba yung nangyari? Ang sakit talagang mag-expect.

Minsan naman, umorder ako ng tatlong piraso ulit ng oblong na tinapay. Inaasahan ko e ube ang laman. But no! Laking gulat ko (Oo, malaki talaga.) nang ang malasahan ng malulusog kong dila e maalat! Cheese flavor ang putek! E yun pa naman ang pinakaayaw ko dahil sobrang naninigas na yung keso sa a) kalumaan o b) kababaan ng quality. Kabanas talaga yun!

So I’ve learned a very important lesson in my mid-20’s life.

Natutunan ko na, gaya ng pagbili ng donut na pangmahirap sa panaderyang dinadaanan ko araw-araw sa pagpasok, hindi lahat ng plano natin ay natutupad. At lalong hindi lahat ng pangyayari sa mundo o buhay ay aayon sa kung ano ang gusto natin. Gaya nga ng sabi sa nabasa ko noon na hindi ko na maalala kung sino ang nagsulat at kung ano talaga yung exact words na sinulat nya, unfulfilled plans are God’s dancing lessons.

Natuwa ako kasi sumasayaw ako dati. Well, sumasayaw pa rin naman ako ngayon, pero madalas e hanggang sa “Call Me Maybe” na lang at di na tulad noon na live, sa stage mismo sa harap ng maraming tao.

Isa pang dahilan kung bakit ako natuwa e dahil parang totoo naman na God’s dancing lessons kapag dumarating sa buhay yung mga frustrations o epic fail na mga plano. Kapag kasi tinuturuan kang sumayaw, you have no choice but to follow. Hindi sya tulad ng Math equation na kahit definite ang sagot e pwede mong kwestyunin yung solution, na pwede kang magmarunong sa mismong nagtuturo sa iyo. No! Pagdating sa pagsasayaw, kahit anong sabihin at gawin ng choreographer, gagawin mo. You can object at sabihing “I can’t do it,” but in the end, susunod at susunod ka pa rin. You’ll try to dance kahit mahirap o di mo talaga kaya.

Ang hirap nga na nung time na papa-graduate ka pa lang sa college, punung-puno ka ng idealism sa buhay. Feeling mo e kayang-kaya mong i-conquer ang buong mundo. Feeling mo e napakagaling mo at marami kang mababago hindi lang sa buhay mo, kundi pati na rin sa buhay ng kapwa mo. Ganun ka ka-ideal. Ganun ka-perfect ang tingin mo sa lahat, dahil ga-graduate ka e. Matutupad na ang isa sa mga pinapangarap mo at ng mga magulang mo. Hindi biro yung mga pinagdaanan mo simula nang pumasok ka sa grade school hanggang sa igapang mo ang sarili mo buong college. Hindi talaga biro.

Tapos pagka-graduate mo at nagsimula ka nang maghanap ng trabaho, dun mo makikita na hindi pala madali. Na marami pala sa mga itinuro noong nag-aaral ka pa e ideal at hindi praktikal sa pang-araw-araw na buhay. Na 75 percent sa mga itinuro ng mga teacher mo e hindi applicable in real life dahil a) hindi sinusunod ng mga tao, b) obsolete ang mga kagamitan sa office, c) maraming mas malalaking problema ang dapat mong i-prioritize, d) hindi totoo ang mga nasa libro at e) the whole world is a joker and you’re the butt of every joke.

Actually, kaya kong punuin ang lahat ng letters ng Alfabetong Filipino para magbigay ng dahilan, pero ipapaubaya ko na sa inyo yung iba. I know you can cite better/worse reasons than I could give.

Pero, natutunan ko rin naman na, gaya ng pagbili ng donut na pangmahirap sa panaderyang dinadaanan ko araw-araw sa pagpasok, there are times na kahit alam mong risky at baka hindi tumakbo nang naaayon sa plano mo e i-go-go mo pa rin dahil umaasa kang baka makatsamba o maka-jackpot. Baka umayon lahat sa plano at maging success ang lahat. Na kapag nangyari iyon, edi happy ka. Happy ang lahat! At yung kaisa-isang pagkakataon na naipanalo mo yun, out of all the many failed attempts, e sapat na para subukan mo ulit syang gawin at magpatuloy sa buhay.

Some call it risk-taking. Others say it’s chance. I call it hope.