Missing “My” Pussy

by Sankage Steno

Bago pa tayo tarantahin at paglaruan ng habagat na walang pangalan noong nakaraang linggo e may nauna nang nagpataranta sa amin dito sa tinutuluyang “bahay.”

Yung picture sa taas ang hindi ko tinutukoy. Ang tinutukoy ko e yung nasa picture sa taas. (Ang O-C ko to the max, sheth!) Sya nga pala si Osang, ang ampon naming Blue Persian Cat.

Sa maniwala kayo o sa hinde, blue talaga ang kulay na ‘yan. Ginoogle ko pa talaga kung pa’no sya naging blue, at ang sabi sa na-research ko e ‘yan daw talaga ay “very pale shade of blue.” Alam ko mahirap paniwalaan kung mata mo lang ang pagbabasehan, pero dahil sinabi sya ni Google, wala ka nang magagawa. Ano, papalag ka pa?

Maraming pangalan ang pusang ito. Tinawag din sya ng mga kaibigan kong Ming-Ming para naman daw may originality. Kung tama pa ang pagkakaalala ko, tinawag din namin syang Muning for more creativity. Tapos pinangalanan din syang Kiku nung isa ko pang friend. Napulot nya yata sa isang anime.

Pero kahit ano pang itawag nila sa Blue Persian Cat na ire, mananatili pa rin syang  Osang para sa ‘kin. Kung bakit ‘yun ang ipinangalan ko e dahil noong mga panahong ‘yon e sikat na sikat ito: click ka dito.

O sya, short history muna kung pa’no napunta sa amin ang pusang ito. Isang gabi noong nakaraang buwan, habang ako ay busy sa pagpe-Facebook malapit sa pintuan ng bahay, bigla akong nakarinig ng isang kakaibang tunog…

“Ngiyaw.”

Nung una ay hindi pa namin pinansin dahil inisip namin na baka guni-guni lang. Pero meron bang guni-guni na tatlo kayong sabay-sabay na nakaranas? Hanggang sa narinig ulit namin ang mahiwagang tunog…

“Ngiyaw.”

Tapos, ayun, nakita namin si Osang sa hagdan sa may fire exit. Totoo pala sya. Nagulat kami kasi bawal sa amin ang pets pero may naitakas. Isa pang ikinagulat namin ay may breed ang pusa! In fairview ha, first time kong makakita ng pusang may breed sa tanang buhay ko.

Sa totoo nga niyan, hindi ako fan ng pusa. Mas lab ko ang mga aso. Pero sa isang ito e bigla akong na-lab at pers sayt. Natunaw ang puso ko at naawa ako sa pusang ito na obvious na obvious ang pagpapa-cute para patuluyin namin siya sa aming bahay. So, to make the story short, inampon na namin sya.

Mahigit isang linggo rin si Osang na nanalagi sa aming munting tahanan. Ibinili ko pa nga sya ng Bear Brand sterilized milk. Ni hindi nga ako bumibili nun para sa akin. Ganun sya kahalaga para sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit ganun na lang akong “napaamo” ng Blue Persian Cat na ire.

Pero gaya ng maraming true love story, natatapos ang lahat sa tragedy.

Isang araw, habang nasa trabaho ako, masayang-masaya si Osang sa pagpapakabagot sa loob ng aming bahay. Nang makaramdam siya ng kakaibang hilab sa tiyan, pumunta siya sa kwarto at namili ng kama. Pinili nya ang nasa pinakakanang bahagi ng kwarto at doon gumawa ng milagro.

Again, to make the story short, umihi siya at tumae sa kama. Hindi lang basta tae ha… isang napakalaking TAE. Daig pa ang tae ko kung tutuusin. Laking gulat talaga namin nang malaman kong ganun pala kalaki ang TAE ng mga Blue Persian Cat. I couldn’t believe it at first. But, eventually, I had to give in. I had to believe what I saw. And so I did. Malaki talaga ang TAE ni Osang.

That spelled the beginning of the end. Syempre, naghuramentado yung may-ari ng kama. Kahit pa nilinis na namin at pinalitan yung kanyang sapin sa kama ay hindi pa rin mapawi ang kanyang galit. Sabi pa nya, pagbalik daw nya sa bahay ay ihuhulog nya sa building si Osang. Kahit anong mangyari ay papatayin daw nya ang ampon naming Blue Persian Cat.

Agad kong tinawagan ang isa kong kaibigan na mahilig sa pusa para kunin si Osang right then and there. Unfortunately, nasa probinsya sya nung mga panahong ‘yon. Kaya napilitan kaming itago si Osang nung gabing ‘yun sa God-knows-where (Hindi ko sasabihin dahil sobrang mahiwagang lihim talaga yung pinagtaguan namin sa kanya para lang hindi sya mapatay ng kaibigan ko.).

Kinaumagahan, laking tuwa ko nang ibalita sa akin ng isa ko pang kaibigan na ligtas at hindi natagpuan ng papatay sa kanya si Osang. At ang isa pang “magandang” balita, nakuha na sya ng tunay nitong may-ari. Nakita kasi ng janitor  yung pusa sa amin kaya ini-report nya agad sa taong alam nyang naghahanap dito.

So, ayun. Nawala na sa piling namin si Osang, pero at least buhay sya at nakabalik na sa kanyang tunay na pamilya.

Nakakalungkot lang kasi sa sandaling panahon ay nakapag-ambag ako ng katiting na emotional investment sa Blue Persian Cat na ire.

Pwede ka pala talagang ma-attach kahit sa hayop. Isda lang kasi ang naging pet ko nung bata kasi bawal ang mga mabalahibo. Hihikain daw ako. Kaya, ayun, hanggang ngayon ay pangarap ko pa rin ang magkaaso. Pero baka hanggang pangarap na lang ‘yon.

At least naramdaman ko kung pa’no magkaroon ng mabalahibong pet kahit minsan lang.