Hindi lang ulo ang nasisira, pati tiyan

by Sankage Steno

Nasa press conference pa man din ako kanina nang nawala ako sa concentration dahil humilab ang aking tiyan. My gahd! Medyo sosyal pa naman yung event tapos heto ako’t di malaman ang gagawin dahil baka any-any e di ko na mapigilan ang kinikimkim nang palihim.

Hindi naman ako pinagpawisan nang malamig dahil medyo nakatutuok sa ‘kin yung spotlight. So, pinagpawisan ako nang mainit. Imagine yung feeling na may sasabog pero ilalaan mo ang iyong sarili para hindi sya sumabog dahil ayaw mong may madamay na iba. Wag kang mandiri, seryoso ‘to.

Daldal nang daldal si RJ Ledesma sa harapan habang ako naman e natataranta kung tatakbo na ba sa restroom o hihintaying humupa ang nag-aalburotong tiyan.

Actually, naramdaman ko na ang pagbabadya ng aking tiyan bago pa man pumunta sa presscon. Isnabero kasi ako kaya di ko binigyang-pansin dahil baka epekto lang sya ng gas sa stomach. Naisip ko, “Naku, ilang utot lang ‘to sa open field, tanggal na paghilab ng tiyan ko.”

But no!

Laking pagsisisi ko nung di nakuha sa dighay at utot ang nararamdaman kong pananakit ng tiyan kanina. Hindi naman ako masyadong nagpahalata dahil handa ako sa mga ganitong pagkakataon. Madalas na kasi akong nabiktima ng tiyan kong bigla na lang masisira nang di ko alam kung ano ang nakain beforehand. Kaya lagi akong may dalang tisyu at alcohol sa bag ko.

Ginamitan ko ng mind over matter ang aking tiyan. Effective! Pero it’s not long-lasting.

Buti na lang at natapos na ang pagdadaldalan nung mga nasa stage. Nagtawag na ng lunch yung host. Pansamantala ring natila ang paghilab ng aking tiyan. Kumain muna ako dahil niloko ko pa ang sarili kong baka gutom lang ‘to. Then, moments after kong matapos kumain, ayan na. Bumalik na naman ang kinatatakutan ko.

This time, pumunta na ‘ko sa toilet. Laking pasasalamat ko nang makita ko ang inodoro sa aking harapan. Gusto ko syang yakapin kanina. Muntik pa ‘kong mapaiyak. Pinigilan ko lang ang aking sarili dahil mas mahalagang upuan ko sya kesa yakapin at halikan.

Bukod sa toilet, lubos din akong nagpapasalamat kay Sir John Harington na unang nakaimbento ng inodoro noong 1596, at kay Thomas Crapper (bagay na bagay ang pangalan) na nag-improve nito noong 1881 to 1896.

Mabuhay kayo! Mga tunay kayong bayani.

Image