Di porket may DSLR magaling nang photog

by Sankage Steno

Kay yabang-yabang lang ng ibang tao dyan. Porket may nakasabit na DSLR sa leeg, feeling photographer na. Sa isang libong picture namang kinunan, isa o dalawa lang yung papasang pang-cover photo sa Facebook. Good luck na lang kung pumasa yung mga kuha nya sa taste ng editor ng dyaryo o magazine. Isang malaking good luck talaga!

Asan na yung disiplina at pagkametikoloso ng mga tunay na photographer? Asan na yung paningin at panlasa ng mga nasanay sa Fuji at Kodak films? Palibhasa kasi ngayon ‘pag di nagustuhan yung kuha madali nang i-delete. Di tulad noon na kapag nagkamali ka ng kuha, di mo na mabubura. Yun na talaga ang maipapa-develop mo sa darkroom.

At sino pa ba ang nakakakilala sa darkroom? Fine, matanda na ‘ko kung matanda. At least napapagkamalan pa rin akong estudyante sa bus. Teka, hindi ako ang point. Mamaya na ‘ko eepal. Ang point ko lang e dahil naging mas accessible na sa publiko ang photography, naging libangan na ‘to at nalimutan na yata yung Art. Aesthetics. Sining.

Basta makapag-establishing shot lang, OK na. Basta makapag-jump shot lang, cool na. Basta nakapag-wacky shot lang, di na pansin yung kapangitan ng mukha. Edi lahat na lang kaya gawin nating wacky shot para may excuse sa pagiging panget!

Kumukulo talaga dugo ko. Ilang pangit na pictures pa makita ko at mari-reach ko na ang boiling point ng dugo ko.

Pasalamat kayong mga feelingerong photographer at hindi ko kayo kaharap ngayon. ‘Pag nagkataon, hahablutin ko yang DSLR nyo sa leeg at isasabit ko kayo pareho sa sanga ng punong mangga. Sheth, nagiging bayolente na ‘ko. Ayoko na.

Sa susunod na may makilala akong taong nagmamagaling at may nakasabit na DSLR sa leeg, pipikit na lang ako. Malabo na nga mga mata ko, pahihirapan ko pa lalo dahil sa kaypapanget na pictures? Hindi ko na ito-torture ang aking sarili, pramis!

Leche.