Feeling bata

by Sankage Steno

Hanggang ngayon e di ko pa rin lubos matanggap na 25 years old na ‘ko. Hindi ko pa rin kasi maramdaman na ganun na ‘ko katanda. Ang pakiramdam ko, parang nasa college pa rin yung utak ko, minus the research and the daily academic grind. Yung puro gimik lang o paglilibang ang iniisip.

Tumatanda ba ‘kong paurong?

I’m not sure. Siguro malaki yung impluwensya ng pagtuturo ko sa kolehiyo kaya siguro hanggang ngayon e di ko pa rin masabing yung utak ko e nasa level na nung mga nagsisimula ng pamilya at nagpapataas ng posisyon sa trabaho. Ako kase, ang nasa isip ko lang, e kung pa’no ako makakapag-enjoy sa ginagawa ko ngayon. Kung pa’no ako makakapagsaya.

Masama ba yun?

Hindi ko masabing masama sya, pero di ko rin naman masabi sa sarili kong tama at mabuti yung iniisip ko. Don’t get me wrong. Don’t be judgmental at the same time. Tumutulong ako sa pamilya. Pinipilit kong magbigay on a regular basis para sa mga gastusin sa bahay. At kapag kaya ko rin naman ay ako ang kumukumpuni ng mga gamit na sira sa bahay. At, in fairness, may potensyal ako sa pagiging handyman.

Well, going back, malaki siguro yung kinalaman din na wala ako sa isang seryosong relasyon ngayon kaya ang pag-iisip ko e parang sa college student pa rin. Young and wild and free, sabi nga sa kanta. Am I enjoying it? Yes. Am I content? Partly not.

Pakiramdam ko rin kasi e nakakaburyong na yung ganun. Gusto kong may mangyaring malaki para naman makita ko kung ano talaga ang silbi ko sa planet earth o sa universe.

Ang dinadasal ko nga minsan sa Diyos e, “Lord, please give me more.” O kaya naman e, “God, sana naman e mas marami akong magawa.” Na mabuti, of course. Lagi ko ring dinarasal na sana makita ko yung mga tamang opportunities kung sa’n magagamit ko talaga ang aking talento at kakayahan para makatulong sa sarili at sa kapwa. Di naman ako selfish.

Ikaw, dumaan o dumaraan ka ba sa ganitong stage? (Kung stage man itong matatawag.)