Bakit nagtitiyaga akong magtrabaho sa Pilipinas?

by Sankage Steno

Syempre, given na yung andito ang mga mahal ko sa buhay, namely, pamilya at mga kaibigan. Given na rin yung dahilang mas kabisado ko ang kultura at wika rito kaya mas madaling mag-adjust o makibagay sa mga katrabaho at sa kumpanya.

Worth saying din naman na kahit mahirap tayong bansa e masaya sa Pilipinas. Yeah, yeah, insert DoT tagline here. Kailangan ko pa bang i-prove ‘yon? No need. I’m sure kahit di ka pa nakakalabas ng bansa, masasabi mong masaya talagang maging Pilipino, at masayang tumira sa Pilipinas.

Pero ang isa ko talagang dahilan kung bakit ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa, kahit pa lagi akong kontraktuwal na manggagawa rito, kahit pa ang liit-liit ng sweldo, kahit pa hindi kumpleto ang benefits ko, ay dahil sa mga … gorgeous, good-looking at crushable na tao!

Pramis! Other than me, given na yun, marami talagang “Yummy!” sa Pinas. Listen to this:

Nagpunta ako sa Singapore nung 2010, five days din ako dun. Jusme, wala man lang akong nakita ni isang may potensyal na maganda o gwapo. Wala talaga. Nil. Zilch. Zero. To think na iba-ibang races yung andun, so malaki yung chance na magkaroon ng magagandang hitsura. Pero, sorry, wala talagang pumasa sa taste ko.

Pasensya na, ha, if I sound crass. I’m just being honest. Forgive me if my version of the truth hurts other people. Pero maniwala kayo, sa karanasan ko dun, wala talagang nagpa-second look man lang sa ‘kin. O yung tipong mapapalingon ka ulit dahil, uy, pwede!

E dito sa Pilipinas, naman! Araw-araw, tuwing papasok ako sa trabaho, sa elevator pa lang ng building na tinitirhan ko, buo na ang araw ko. Tapos pagsakay ko ng bus o MRT, ay, sinasabi ko sa imo, never yatang wala akong na-spot na “may potensyal” sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Kahit san man ako pumunta, kahit pa third class municipality, squatters area, business district o high-end na lugar, andami talagang artistahin. Kung minsan nga e mapapahiya pa yung mga sumasali sa mga artista search sa TV dahil sa sobrang gaganda at gagwapo ng mga taong nakikita ko sa Maynila.

Maynila pa lang ‘yan.

In fact, kahit di ko naman ginusto, e naging hobby ko na yatang maghanap ng crushable sa mga pampublikong lugar at sasakyan. Hanggang crush lang naman. Di naman ako manyakis. At sabi nga ni Ramon Bautista, ang manyakis ay nasa mukha lang. Kung si Xian Lim o si Daniel Padilla o si Sam Pinto o si Cristine Reyes ba ang mangmamanyak sa ‘yo, sasabihan mo ba syang manyakis?

Anyway, back to the point, isa ‘to talaga sa mga pumipigil sa ‘kin para maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Of course, andun pa rin naman yung paniniwala kong dapat ay dito ko gamitin ang aking talento at kakayahan. Saka dapat ay kapwa Pilipino ko rin ang aking paglingkuran. Pero wagas talaga ang mga hitsura at pangangatawan ng mga Pilipino/Pilipina.

Marami sa atin ang walang itulak-kabigin. At di ako naniniwalang kapag may hitsura ka e bobo ka na o mahina ang ulo. That’s not true. Ehem. Ehem. Marami akong nakikita o kakilala o kaibigan na good-looking pero matalino pa rin. Higit sa lahat, may puso.

Ang saya talaga sa Pilipinas!