If plagiarism is not a crime, then it must be a right.

by Sankage Steno

Buti na lang talaga hindi ko binoto si Tito Sotto. Laking pagsisisi ko siguro ngayon.

Pa’no nangyaring hindi raw krimen ang plagiarism, samantalang kinukonsiderang krimen ang pagbebenta ng mga pirated CDs? E di ba pareho lang naman silang nagnakaw ng “intangible” na bagay mula sa ibang tao o grupo ng tao? Kahit ano pang sabihin nya, isa lang ang puno’t dulo nito: PAGNANAKAW.

Don’t tell me na ang isang tagagawa ng batas natin ay hindi alam na ang pagnanakaw ay labag sa batas? Anlaking katangahan naman nun. Well, siguro nga walang nakasulat sa Revised Penal Code na eksaktong batas na nagsasabing krimen ang plagiarism. Sabihin na nga nating ganun, na wala talagang parusa sa mga nagko-commit ng plagiarism, but that doesn’t make it any less of a crime.

Siguro maliit na krimen syang maituturing — di hamak na mas maliit kumpara sa panggagahasa at pagpatay — pero hindi ibig sabihin nun na di na sya krimen. Kahit pa’no mo paikutin ang isyu e sigurado akong may nasasagasaang karapatan maski di man ganun ka-obvious.

Siguro kasi dahil nakagawian na nga ang pag-plagiarize sa Senado at sa kung saan pa mang ahensya ng gobyerno, gaya ng sinabi ng chief of staff ni Sotto, e wala nang nag-aabala pang isabatas ang pagbabawal o pagpaparusa sa ganitong uri ng pagnanakaw.

Mabuti pa pala ang katiwalian o corruption. Kahit talamak sa pamahalaan at nakagawian na ng napakaraming pulitiko, at least kino-consider pa rin syang krimen. At di lang basta krimen — isang napakalalang paglabag sa batas!

Ang laki ko palang tanga nung nag-aaral pa ako dahil sineseryoso ko ang tamang citation at pagbibigay acknowledgment sa mga pinagmulan ng aking research. Dapat pala e kinopya ko na lang lahat, copy-paste, at di na nagpakahirap pang sundin ang APA o kahit anong simpleng pagpapakita ng source ng aking pananaliksik. Ang tanga ko talaga.

Sinayang ko lang din yung laway ko sa pagtuturo sa mga estudyante ko ng tamang citation, ng kahalagahan nito sa pagsusulat at sa research, at ng masasamang naidudulot ng hindi pagbibigay pugay sa orihinal na may-ari ng tekstong ginamit. Such a big, big waste na sinabi at ipinaliwanag ko pa ang virtue of honesty and humility sa tuwing iiwas ang lahat from plagiarism.

E kung mga senador, business tycoon, hukom at kung sinu-sino pang maiimpluwensyang tao ang tahasang nagpe-plagiarize, pa’no mo pa mapapaniwala ang nakararami at mapapanindigan na mali ang gawaing ito? Magnakawan na lang tayo ng ideya.

Advertisements