Naghihintay sa Meron

by Sankage Steno

I don’t know about you pero alam ko, ako, ‘pag naghihintay e usually, dumarating naman. Madalas ko kasing ma-encounter yung mga naghihintay sa wala. What’s the use?

Pinag-isipan ko talaga kung bakit maraming tao ang naghihintay sa wala. Ok, fine, siguro hindi ganun kalalim, pero nag-isip pa rin naman ako kahit konti. At I figured na marami sa atin ang naging lifestyle na ang paghihintay sa wala dahil nag-eenjoy tayo sa ganung feeling.

Case in point, breakup. The drama and all. Maraming brokenhearted men and women ang naghihintay pa rin sa pagkakataong babalikan sila ng taong mahal nila, thinking na may chance pa, kahit ang katotohanan ay wala na talagang maibabalik pa. Although you may think that this is contrary sa sinasabi kong nag-eenjoy sa feeling ‘pag naghihintay sa wala, think again.

Kapag kasi umaasa ka, there is hope, obviously. And hope, when taken in large quantities (as if naman quantifiable sya), can give sort of an anesthetic feeling na nakapagpapagaan sa burden na pinapasan ng kung sinumang sawi sa pag-ibig. Gets?

Another thing. Masarap maghintay sa wala kapag summer vacation. Imagine na nasa beach ka lang, walang trabaho, walang pasok, walang iniintindi. You’re basking in the sun. Nagpapaitim para ‘pag balik sa inyo, papansinin ka ng mga tao, “Uy, umitim ka. Nag-beach ka ‘no?” Tapos sasabihin mo, “I know.” Sila, “KAINGGIT!”

Enjoy maghintay sa wala kapag wala ka naman talagang iniintindi sa buhay. Petiks ka lang. No worries. Hakuna matata. Kahit alam mong hindi permanenteng wala ka talagang iintindihin sa buhay, for that couple of moments that you’re in the beach, heaven ang paghihintay sa wala.

On second thought, baka meron talaga tayong hinihintay. That in theory, there’s no such thing as naghihintay sa wala. Parang objectivity. Oops, di ko na idi-discuss dahil baka humaba pa ‘tong blog na ‘to. Parang ako ngayon, hinihintay kong mag-uwian kasi may gagawin akong mas gusto ko later on. Pero in the middle of my duty kanina, pakiramdam ko e naghihintay ako sa wala — na, in reality, meron talaga.

Which reminds me, September na bukas! At in 16 days, we’ll start the 100-days countdown for Christmas. So mas maikli na lang yung paghihintay natin for the bonus at sa nag-uumapaw na kindness ng sangkatauhan. (Sana po maraming magpasaya sa ‘kin. “The virtue of selfishness.”)

Magulo ba? Sensya naman. Blog lang naman ‘to, hindi thesis o article. At least di ako nag-plagiarize. Original yung thought at piece ko na ‘to. (Sana may tamaan.)