Mukhang kailangan nang tapusin ang Naruto.

by Sankage Steno

Kahit ayoko pa talaga syang matapos e feeling ko di na dapat pang patagalin ang Naruto.

Dumarami na kasi yung mga discrepancies sa kwento. Medyo kumo-corny na rin yung mga twist. Katulad na lang nung huli, yung pinakita kung sino talaga si Tobi. Noon pa lang kasi e marami nang nagsasabing baka raw si Obito sya, yung ka-team na Uchiha ni Kakashi. Well, after years of waiting, guess who kung sino talaga ang nasa likod ng maskara ni Tobi…

Si Obito.

Wow, amazing! Hindi ko talaga in-expect na sya yun. Grabe, ang laking revelation. Leche.

Although nagandahan ako sa delivery nung episode, parang silent film sa comics kasi walang dialogue, e parang ang pangit na ang lumalabas na dahilan kung bakit naging masama si Obito ay dahil sa selos kay Kakashi dahil mas magaling ito nung mga bata pa sila, at siya ang mas gusto ng ka-team nilang babae. Oh come on! Yun lang?

Well, it’s too early too say, kaya sana naman ay mas malalim pa dun ang tunay na dahilan.

Another thing, pinakita rin sa episode na yun ang apat na mukhang nakaukit sa may batong bundok, na parang Mt. Rushmore, sa Konoha. E di ba dapat tatlo pa lang yung andun kasi di pa naman Hokage nung panahong yun si Minato? Di ba?

At hindi lang ‘to ang una. Even before, marami na ring mga inconsistencies sa kwento o manga. Halimbawa, si Kakashi. Alam nating copy ninja sya, pero di ibig sabihin nun e kaya na nyang kopyahin lahat ng technique dahil limited lang sa isa o dalawang (o tatlo kung rare) elements ang kaya mong kontrolin as shinobi.

Pero sa isang movie ng Naruto, nakopya ni Kakashi ang water/ice-type na jutsu, which is imposible sa law ng shinobi world dahil ang elements lang ni Kakasi e lightning at earth.

I’m sure bukod dito e marami pang “pagkakamali” sa paggawa ng Naruto. Kayo na lang ang bahalang mag-isip pa ng mga irregularities sa kwento at sa anime. Baka nga mas marami pa kayong alam kesa sa ‘kin. Pero hindi mo rin naman masisisi yung creator dahil sobrang haba na ng kwento. Taong 1999 pa yata nagsimula ang Naruto, 2012 na ngayon. Oh my!

Tumatanda na talaga si Masashi Kishimoto. At kapag hindi pa niya tinapos ang Naruto, baka pumangit pa lalo yung kwento o dumami yung discrepancies/inconsistencies. Ayokong maging legacy ng favorite anime ko ang ganitong klaseng pagkakamali. Kesa pumangit, better to end it na mataas pa ang pagkahumaling at pagkabilib ko/natin kay Naruto.