Sex Change at ang Tilapia

by Sankage Steno

Natutunan ko sa dati kong co-teacher na pwede palang i-manipulate ang kasarian ng mga tilapia. Hindi malinaw sa ‘kin yung proseso pero ang pagkakatanda ko, may pinapakain daw silang feeds na may hormones ng babae dun sa mga lalaking tilapia para lumaki yata o magparami. Basta parang ganon. Amazing, no?

Alam ko meron din namang mga tao na gumagawa nun, yung nagte-take ng hormone pills para magpalaki ng boobs o magpatinis ng boses. I’m not sure kung merong mga babae na gumagamit ng ganun para naman maging macho o para bumaba ang boses. Weird isipin pero it’s real.

I’m not going to deeply discuss the morality side of the topic. I’ll leave that to you na lang or sa comments.

Gusto ko lang bigyang-pugay ang mga tilapia na unsuspectingly e nababago ang gender dahil sa law of supply and demand sa merkado. Kawawang mga nilalang; biktima rin sila ng kapitalismo. Ibagsak ang kapitalismo! Ibagsak! Tengene, naging aktibista agad.

Ano na lang kaya ang nararamdaman ng mga lalaking tilapia na matapos ang isang pananghalian o almusal e malalaman na lang nilang gusto na pala nilang makipagtalik sa “kauri” nila. Ang laking confusion!

Daig pa siguro nila ang mga hermaphrodite cases sa mga tao. At least yun, congenital. Pagkapanganak pa lang e alam mo nang dalawa ang kasarian mo. Ang maganda pa rito, makakapamili ka ng gender mo paglaki. Pag nalaman mong mas trip mong gawin sya sa babae, edi patakpan mo yung butas mo. Pag nalaman mo namang mas trip mo syang gawin sa lalake, edi paputol mo. Ang saya!

Pero walang ganung luxury ang mga tilapia. So just imagine the animal rights that we are violating. Wow, may advocacy na pala ako? Asteeeeg!

Eto para mas maliwanagan ka: Isipin mo na lang na natutulog ka, tapos paggising mo sa umaga, iba na kasarian mo. Nakapagpa-sex change ka without your consent. May kung sinong timang ang napagtripan kang gawing ibang tao. Ano mararamdaman mo nun? Instant sex change!

Kaya para sa mga tilapiang nakakabasa nito, I feel for you brothers and sisters! Fight for your rights! Susuportahan ko kayo all the way. Mabuhay ang mga tilapia! Mabuhay!

Image