Kalibugan ng Pag-ibig

by Sankage Steno

.

Hayaan mong malapitan kita.

Hihipuin ko ang iyong dibdib.

Pak! Aruy! Sampal itong kinita

Nang malasin ang bastos kong ad lib.

.

Kunwari ka pa, gusto mo naman.

Ikaw nga ‘tong madalas dumikit.

Oo, para kang sinisilaban.

Tatabi ka, tapos mag-iinit.

.

E ano ang gusto mong mangyari?

Magtititigan buong magdamag?

Sige, fine! Wag ka lang magsisisi

Kapag tayong dalawa’y inamag.

.

Ano? Payag ka nang gawin natin?

Wow! Ang bilis. Dali mong kausap.

What? May kondisyon. Pwede lang alin?

Halik at yakap — basta ‘wag laplap.

.

No problem. Ikaw ang masusunod.

Labyu! Lalo na ‘pag nakaluhod.