Paano Pasisipagin ang Sarili

by Sankage Steno

Masipag akong tao sa mata ng ibang tao, pero sa sarili ko, feeling ko e isa rin akong tamad. Totoo namang ginagawa ko ang aking mga responsibilidad sa trabaho at sa bahay. But that doesn’t prove na masipag akong tao. Mas gusto ko pang isipin na maagap lang ako.

Noong high school, kapag weekend, tinatapos ko na agad ‘pag Friday lahat ng homework at projects ko. Bakit? Hindi para makakuha ako ng mataas na grade kundi para makapaglaro ako ng Playstation buong Sabado at Linggo. Ganun ako kaadik noon sa paglalaro ng computer games. In fact, basta nakakarinig ako ng soundtrack o kahit katunog ng mga andun sa games na nilaro ko noon, nag-iiba ang timpla ng katawan ko. Parang gusto kong maglaro lang ulit buong araw.

Sa trabaho naman ngayon, ganun pa rin. Kapag may kailangang isulat at i-edit, tinatapos ko na hangga’t maaga. Part of the reason is para hindi ako matambakan ng trabaho at para good shot kay boss, pero the other half is para “hindi na ako magtrabaho” — kasi nga tapos na, nagawa ko na. Tengga na lang muna.

But more often than not, tinatamad akong gawin ang karamihan sa mga bagay na dapat nating gawin sa buhay, namely magtrabaho at/o mag-aral at/o tumulong sa pamilya. Kapag nangyayari yun, parang sinisilaban ang pwet ko sa sobrang pagka-bored. Tinatamad ka na nga, bored ka pa. Simple pero matindi ang combination na yun.

Eto ang ilang tips na inisip ko para sipagin ang sarili:

  • Magpasikat. Magpapansin ka. Isipin mo na ang gagawin mo ay ikagaganda mo.
  • See the end. Mas madaling magtrabaho kapag nakikita mo yung goal mo. Kapag di mo makita ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang ginagawa mo, bakit mo gagawin, di ba?
  • Multi-task. Sa halip na pure work lang, samahan ng konting play o entertainment. Magpatugtog habang nag-aaral o, gaya ko noon, isiping computer game o sport yung trabaho.
  • Fantasize. Isipin mo yung crush mo o yung love mo habang nagtatrabaho. Even more, isipin mo yung medyo nakakakiliti, pero yung sakto lang. HUWAG sosobrahan!
  • Guilt trip. Sisihin mo ang sarili mo na ang tamad-tamad mo at wala kang silbi sa mundo. Isipin mo ang maraming taong nagpapakahirap sa basurahan o sa Africa (dun talaga?) para lang may makain sa isang araw.
  • Thy Kingdom come. Opposite ng guilt, isipin mong dadalhin ka sa langit (o sa Nirvana) ng kasipagan mo sa trabaho. Effective ‘to kung religious kang tao.
  • Call a friend. Kung tinatamad kang pasipagin ang sarili, magpapilit ka sa ibang tao. Hintayin mong sigawan ka ng nanay mo o hatakin ng kaklase mo o pagalitan ng boss mo para gawin ang dapat mong gawin. Ewan ko na lang kung di ka pa sipagin nito.

Sana may naitulong ako. Feeling ko nga kulang pa ‘yan e. Kapag may naisip ka pa, share mo naman sa comments. Tinatamad na kasi akong mag-isip.

Advertisements