9/11

by Sankage Steno

Dati kasi 7/11 lang ang inaalala ko, lalo na ‘pag bigla akong ginutom ng alanganing oras o kaya naman e kailangan ng yelo sa inuman pero sarado na yung mga sarisari store. Pero ngayon, inaalala ko na rin ang 9/11. Para sa mga tanga, hindi po sya 24-hour na convenience store. Isa po syang date sa kasaysayan, particularly ng United States. GMG!

Second year high school ako nang mangyari yung pag-atake ng mga terorista sa kambal na tore ng World Trade Center sa New York City at sa Pentagon sa Washington, D.C. Kahit wala pa ‘kong pakialam masyado noon sa mga nangyayari sa ibang bansa, dahil concerned lang ako sa mga nangyayari sa Pilipinas, naramdaman kong ibang level ang event na yun.

In fact, lahat ng balita sa dyaryo namin sa bahay tungkol sa nangyaring iyon sa U.S. e ginupit ko at tinipon sa isang portfolio. Tapos e pinasa ko sa teacher ko sa Hekasi. Required kasi. Pero more than sa pagiging required sa subject namin sa school, sobrang naapektuhan din ako ng pangyayaring yun dahil sobrang nakagigimbal naman talaga.

Alam kong mali na humanga ako, pero ang galing ng mga terorista para i-organize ang ganung kalaking pag-atake sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Imaginin mo yung skill nung terrorists na nagpamaneobra sa mga eroplano para saktong tumama dun sa dalawang tore ng WTC. Isama na rin natin yung sa Pentagon, kahit pa ang alam ko e dapat sa White House patatamain yun. Ang galing talaga!

At ang sama rin.

I don’t know kung anong klaseng kasamaan ng U.S. ang ginawa noon para ma-motivate yung mga terorista na gawin iyon. And I know it’s easier said, pero “two wrongs can’t make no right.”

Anyway, may katangahan akong ipagtatapat nung una kong na-encounter yang 9/11 na ‘yan. Iniisip ko talaga noon kung ano yung nababasa ko sa dyaryong 9/11 at nababanggit pa sa TV minsan. Ang akala ko dati, pinag-uusapan nila yung paborito kong show sa Channel 9, yung Rescue 911. (Meron pa ba nun?) E di ba ang gagaling ng mga paramedics at pulis dun? Isang dial lang ng caller sa 911, in a few minutes andyan na agad sila.

But no, mali pala ako. September 11 pala talaga ang ibig sabihin nya.

And speaking of 11, 11 years na pala ang nakalipas nang mangyari yun, no? Ambilis ng panahon. At ngayon nga, may One WTC nang memorial na tinayo ulit sa New York. In fairness din sa resilience at patriotism ng mga Kano, nakaka-inspire. Sana ganun din sa Pilipinas. Not the event, syempre. Jusko naman. Imposibleng mangyari yun. Well, I take that back. Malabong mangyari yun.

Unang-una, wala tayong ganung kataas na building para pabagsakin. Ang pinakamataas na building sa Pinas, alam ko, e yung PBCom Tower sa Ayala Avenue. Ikalawa, kung tama ang intel na natanggap ko (Intel talaga?), hindi rin ganun kaabilidad ang mga terorista sa ating bansa. Kailangan pa nilang mangidnap nang ilang libong tao para magawa iyon. Not that I’m suggesting. Erase! Erase!

How I wish na hindi na talaga maulit yung ganung terorismo. And of course, sana wala nang mangyaring mas malala pa dun. Ewan ko na lang. Baka third world war na ang kahantungan ‘pag nangyari yun. Ayoko ng gyera. Let’s make love, not war. Make love? Now, I’m talking.

Image