Bench Multiverse

by Sankage Steno

Babakat at lalawlaw na naman mamayang gabi at bukas ang mga pinakatatagu-tagong hiyas ng mga artista sa Pilipinas. At, syempre, sino ba naman ang mga makikinabang dito kundi ang mga voyeur.

What is a voyeur? Hindi ko sasabihin. It could be me. It could be you. It could be everybody.

Hanga rin ako sa mga artistang anlalakas ng loob na ibandera ang kanilang mga hubad na katawan sa harap ng libu-libo o milyun-milyong tao. Well, kung may maipagmamalaki ka nga naman, bakit hinde? Kaya kung may K, sige, go! Pahanginan na ‘yang mga parte ng katawang bihirang mahanginan. Iyugyog na ‘yan hanggang sa maglaway lahat ng nakatitig!

Naisip ko lang, hano. Bakit ang title ng show e “Bench Universe?” Iniisip ba nilang Bench ang sentro ng buong sanlibutan? Gano’n ba kaambisyoso si Ben Chan? Bakla ba sya? (Wait, san nanggaling ‘tong tanong na ‘to?) O baka naman ang pinakatitiliang babae at lalake (at tomboy at bakla) sa show e isasabak na sa Miss/Mister Universe next year.

Whatever the cause kung bakit yun ang pamagat nya, wapakels na lang ako. Tutal, hindi rin naman ako manonood. Hindi na kaya ako bumibili sa Bench. Ang mamahal na kasi. Puro ukay-ukay lang kasya yung budget ko para sa damit. Kung minsan naman e sa tiangge. Basta kung san may maganda at abot-kayang bilihin, dun ako.

Wait, what if totoo yung theory ng mga physicist na posibleng hindi lang isa ang universe, bagkus e marami? Technically, we have a multiverse and not a universe. Ano na mangyayari sa show ng Bench ‘pag nagkaganun?

Ang nai-imagine ko, at salamat na rin sa panonood ng Fringe, e may mga alternate versions ang bawat isa sa universe na ‘to dun sa kabilang universe, although may slight difference. Ayan, umaandar na naman yung imahinasyon ko sa kung anong “slight difference” ang pwedeng mangyari sa Bench Universe sa ibang sanlibutan.

Si Piolo Pascual daw sa alternate universe e hindi hunk. Magmo-model syang naka-panty at bra lang na may itim na pakpak — parang yung mga angel sa Victoria’s Secret. Mas kilala sya roong Paola Pascual. Sikat din sya at tinitingala, pero maraming tsumitsismis na tomboy raw sya at sila talaga ni Judy Ann Santos behind the camera.

Si Marian Rivera naman daw e sobrang hinhin. Isa syang magaling na psychology sa kabilang mundo na nag-decide maging artista dahil pretty ang face. Sa Bench show, balut na balot syang magmo-model. Maganda naman yung jeans nya kaya ayos lang kahit hindi naka-two piece. Hindi sya laking-palengke at sobrang galing niyang mag-English.

Si Angel Locsin sa alternate universe e isang Siberian Husky. Sya yung umarteng Fulgoso sa Pinoy version ng Marimar na pinagbidahan doon ni Martha Herras (alternate ni Mark Herras). In fairness, bagay sa asong ‘to yung suot na dog undies. Dog undies?

Si Aljur Abrenica ay kilala bilang Magic Jur. Dati syang dancer sa gay bar at ilang beses na ring napagpiyestahan ang kanyang hotdog doon. Na-discover sya ng isang bading na talent scout sa isa sa mga show nya sa alternate universe. Nanalo syang Mr. Universe 2010 at kasinlaki ni Arnold Schwarzenegger ang katawan nya. Di na rin sya virgin, sabi nila.

Si Lovi Poe naman e sikat na komedyante sa kabilang mundo. Mahaba ang baba nya, kulot, mataba, negra at lahat na ng kapangitan na pwede mong ibigay sa mga komedyante sa Pilipinas, nasa kanya na. Magsusuot sya ng two piece na may napakalaking head dress — isang elepanteng ginto na Thai inspired. Magpapakadapa sya kunwari sa show tapos tatayo at magpa-flying kiss saka kakaway. Magtatawanan lahat.

Naku, marami pang possibilities. Ayoko namang humaba nang todo ‘tong blog ko. Sa comments na lang yung iba. Kung may maisip kang mas magandang ideya, lagay mo na lang din sa comments sa baba. Salamat!

Image

Advertisements