Tips para mapatagal ang sweldo

by Sankage Steno

Isa ako sa milyun-milyong Pilipino na masaya ngayong araw dahil bigayan na naman ng sweldo. Madalas nga lang, yung kasiyahang ito e hanggang weekend lang. Pagdating kasi ng Lunes, pulubi na naman ang maraming manggagawang Pilipino. Either napambayad ng utang o renta sa bahay o kuryente at tubig o bill sa phone, or na-holdap, etc.

For sure marami ring gigimik mamaya para manood ng The MistressResident Evil sa mga mamahaling sinehan (May mumurahin ba?). Yung iba naman e pupunta sa mga club o bar para magpakalango sa alak. Ang ilan e sa biglang liko tutungo para… alam mo na. Kung ano man ang trip ng bawat isang sumusweldo, sure akong malaki ang mababawas sa kita nila today until Sunday.

Kaya ishe-share ko yung mga ginagawa ko para mapaabot yung sweldo ko hanggang sa susunod na payday.

  • Don’t eat. Huwag kang magmeryenda bawat oras kung alam mong manginginain ka nang todo mamayang gabi sa pupuntahan mo. Dun ka na lang bumawi. Baka may manlibre pa, edi laking tipid mo lalo. Konting tiis lang ‘yan. Don’t do this kung may ulcer ka. Baka konsensyahin mo pa ‘ko.
  • Walk. Alam ko naka-heels ka o naka-leather shoes, pero pwede ka naman kasing magdala ng tsinelas para hindi mahirap maglakad. Saka kung ilang kanto lang naman ang layo ng gimikan, ‘wag na kasing mag-taxi. Masarap namang maglakad ‘pag may konting ambon at di mainit. Exercise pa.
  • Stay away from Night Markets. Bukod sa maraming tao na feeling elitista kahit middle class lang naman talaga sila, e may kamahalan ang mga tinda dun. Pramis! Well, mas mura sya kumpara sa fine dining, pero tingnan mo naman yung ambiance, class C na Divisoria lang. Wala pa ring tatalo sa 39ers ng Jollibee o sa unli rice ng Chickboy at Mang Inasal. Naka-aircon ka pa.

Commercial. Kasi naman pang mga nagtatrabaho sa call centers talaga ‘yang mga night market na ‘yan. Ewan ko ba kung bakit dumami at nag-trending. Parang Havaianas lang ‘yan e. Sobrang sikat dito, lahat gustong magkaroon nun, samantalang tsinelas lang sa banyo ang turing dito sa Western countries.

  • Pay bills/debts. Kaya lalong lumalaki ‘yan e dahil sa interest na nag-a-accumulate kapag di nababayaran. Saka may late charges pa ‘yan kapag hindi nakapagbayad on time. Know your priorities naman kasi. At sirain mo na ‘yang credit card mo, OK?
  • Go to the province. Uwi ka. Mas mura sine dun. Yung P300 mo na sine sa SM dito e baka P110 lang sa SM sa probinsya. Mas mura rin mga bucket ng beer sa mga lokal na inuman. May videoke pa na hinuhulugan lang ng P5. Kaya masarap mamuhay sa probinsya, low cost lang kasi ang living. Nakapagsaya ka na, nakatipid ka pa. Wait, there’s more, slightly napayaman mo pa bayan mo.
  • Stay at home. Hindi naman kasi required na gumastos at gumimik. Sa bahay ka na lang, libre pagkain, libre TV, libre computer at internet (kung meron man), libre entertainment sa naninigaw mong nanay o asawa o anak. Di ka mawawalan ng kapupulutan ng saya at gulo. Kung tahimik sa bahay nyo, edi ikaw mismo gumawa ng gulo. Awayin mo kaya kapitbahay mo?
  • Withdraw some. Magtitira ka kasi sa ATM mo. Isang libo lang ilabas mo ngayon. Kung may mang-holdap man sa ‘yo dahil kabisado na nila araw ng sweldo mo, at least konti lang nakuha sa ‘yo. Saka kung gigimik ka at isang libo lang dala mo, no choice ka kundi gumastos lang nang sapat. Ikaw naman kasi, feel na feel mong nangangapal ‘yang wallet mo. Wag ganun.

Tama na ‘yang pito. Marami pang paraan para mapatagal ‘yang sweldo mo. Wag ka lang kasing pasikat masyado. E bakit ba ‘ko nanenermon? Ba’t ba kita pinangungunahan? Nangingielam kasi ako masyado. Nanay mo ba ako? Ako ba nagpapasweldo sa ‘yo? Kaanu-ano mo ba ako? Mahal ba kita?