100 Days Before Christmas List

by Sankage Steno

Mula sa Multiply e ililipat ko na rito sa WordPress ang tradisyon kong ito dahil… alam mo na. Medyo mapapaaga rin ng isang araw kasi Linggo bukas, day off ko. Pero originally dapat September 16 lumalabas ‘tong list na ‘to.

Anyway, heto na sya. Para sa taong ito, ang gagawan ko ng listahan ay yung mga bagay na gusto kong mangyari o gawin bago sumapit ang Pasko. Hindi naman ito bucket list, pero pwede na ring ganun. Hindi naman ako aangal kung magkatotoo lahat ito. Ginawa ko nga e, sus.

100 Days Before Christmas List:

100. Makapag-publish ng sariling libro.

99. Makakain sa Spiral sa Sofitel Hotel.

98. Patakbuhin nang hubad sa EDSA ang dati kong boss na bwiset.

97. Palanguyin sa Ilog Pasig ang lahat ng Epal na nangangampanya na ngayon.

96. Makapag-cosplay sa isang malaking event.

95. Pumunta sa Boracay nang mag-isa.

94. Makapag-concert sa Smart Araneta Coliseum.

93. Makapagsayaw kasama ang Jabbawockeez.

92. Kalbuhin si Charice.

91. Gumawa ng “scandal” video.

90. I-upload ang “scandal” video sa YouTube.

89. Mag-guest sa isang talk show.

88. Makipaglabanan ng pick-up line kay Boy Pick-up.

87. Makipag-debate kay Miriam Defensor Santiago.

86. Makahuli ng isang buwaya, literally and figuratively.

85. Malagay sa front page ng dyaryo.

84. Maka-extra ng 10 seconds sa isang sikat na Hollywood film.

83. Maging cover ng isang sikat na magazine.

82. Bumili ng iPhone5 tapos ipa-raffle.

81. Mabunot ang sarili sa raffle.

80. Masulatan ng love letter mula sa unknown sender.

79. Pumunit ng cedula kasama ang mga Katipunero.

78. Makatapos ng isa pang nobela.

77. Ipakasal si PNoy kay Mar Roxas.

76. Makapagbigay ng condom sa mga pari.

75. Manghuli ng tutubi sa talahiban.

74. Magpahangin isang hapon sa labas ng bahay habang umiinom ng orange juice.

73. Makapagpalipad ulit ng saranggola.

72. “Makapatay” ng totoong zombies.

71. Makapagsimula ng isang round of applause.

70. Manalo ng isang national award.

69. Kotongan ang mga kotong cops.

68. Makagawa ng isang legit na citizen arrest.

67. Maka-discover ng secret treasures.

66. Makapagbakasyon sa Batanes kasama ang kaibigan.

65. Makapag-beach ulit kasama ang buong angkan.

64. Uminom kasama si Lourd de Veyra.

63. Basagin minsan si Ramon Bautista.

62. Makapangolekta ng eulogy para sa akin.

61. Maturuan ng facial expressions si Kristen Stewart.

60. Makapag-donate ng P1 million sa kahit anong charitable institution.

59. Kumain nang sandamakmak na chocolate nang hindi nagkakasakit.

58. Magluto ng isang appetizer, isang main dish, at isang dessert.

57. Makipag-sparring kay Manny Pacquiao.

56. Ibalibag sa malayo si Chuck Norris.

55. Makapunta sa Prague.

54. Magtinda ng taho sa Makati.

53. Makapag-deliver ng isang magandang speech.

52. Mangopya kay Tito Sotto.

51. Turuang maging psychology si Marian Rivera.

50. Iladlad si Piolo Pascual.

49. Manood ng sunset sa Manila Bay kasama ang aking hihihi.

48. Umulan ng snow sa Pilipinas.

47. Makapunta sa Spratly Islands.

46. Makapag-scuba diving sa Tubbataha Reef.

45. Umakyat sa Mount Apo.

44. I-torture ng kiliti si Jovito Palparan on national TV.

43. Isabit sa Puno si Puno.

42. Putungan ng koronang tinik ng isda si Renato Corona.

41. Makipagbalagtasan sa isang conyo.

40. Makapag-debone ng bangus.

39. Makagawa ng totoong sand castle.

38. Maging national something.

37. Mag-bungee jumping mula sa tuktok ng Eiffel Tower.

36. Makapasok sa Oval Office ng White House.

35. Makapag-guest sa Glee.

34. Hulaan ng love life si Madam Auring.

33. Maging vocalist ng isang “rock” band.

32. Turuan ng sex education ang isang rapist.

31. Subuan ng hostiya si Pope Benedict XVI.

30. Mag-espiya sa isang top secret na mission.

29. Ihampas sa lupa si Imelda Marcos.

28. Maging weatherman for a day.

27. Magtapon ng pera mula sa pinakamataas na gusali sa Pilipinas.

26. Makaaway si Annabelle Rama.

25. Makapangisda habang namamangka.

24. Mag-shopping sa Trinoma kasama si Henry Sy.

23. Manlimos sa Quiapo katabi ni Manny Pangilinan.

22. Mag-barker sa sakayan ng jeep.

21. Magbasurero for a day kasama sina Ayala.

20. Mag-sky diving.

19. Maging flight attendant for a day sa Cebu Pacific.

18. Makapagtanim ng isang malaking puno.

17. Makalangoy sa dagat kasama ang isang butanding.

16. Sumabit sa likod ng dolphin at pawikan habang nasa dagat.

15. Magkaroon ng sariling amusement park.

14. Makapagpatayo ng isang restaurant para sa mga di mahilig kumain.

13. Makapagmina ng isang diamond o ginto.

12. Lumabas sa isang billboard.

11. Magkaroon ng kakaibang super power.

10. Maging isang tunay na shinobi.

9. Makapagpatayo ng bahay sa tuktok ng bundok overseeing the sea.

8. Bigyan ng tig-iisang milyon ang mga kamag-anak ko.

7. Bayaran lahat ng utang na meron kami.

6. Maging pangulo ng Pilipinas.

5. Maging best friends ang mga kapatid ko.

4. Gawing reyna si Mama.

3. Makipagsiping sa taong mahal ko.

2. Umabot pa sa 2013.

1. Matupad mo ang kahit isa sa mga ‘to para sa ‘kin.