Piso Fare?

by Sankage Steno

Hindi ko talaga maintindihan kung pa’no kumikita ang Cebu Pacific sa dami ng kanilang promos. Pero ang pinakahindi ko maintindihan e kung pa’no sila kumikita sa Piso Fare. Katulad kahapon saka ngayon, meron na naman.

Na-experience ko accidentally ‘tong promo na ‘to nung 2010. Nagpunta ako sa Davao City with some friends. Naka-P600 plus lang siguro ako sa pamasahe, kasama na yung pabalik ng Maynila. Hindi naman talaga piso lang yung bayad kasi may kasama pa syang admin fee na P100, 12% VAT worth P12.12 at terminal fee na P200. Wala na ‘kong binayaran sa baggage kasi maliit lang bag ko.

Sobrang thankful naman ako. Feeling ko nga hindi ako makakapaglibot sa buong Pilipinas kundi dahil sa promos ng Cebu Pac. By the way, hindi po ako bayad ng Cebu Pac sa blog na ‘to. Pero I wouldn’t mind kung sasagutin nila yung trip ko sa Palawan o sa Boracay any time this year o early next year (kung may 2013 pa).

Sa katunayan nga, hindi pa ‘ko nakakasakay ng Philippine Airlines. Gusto ko pa namang ma-witness yung sinasabi nilang “Pinoy hospitality” na sobrang dama mo raw sa mga flight attendant ng PAL. Again, hindi po ako bayad dito, pero OK lang kung ililibre ako ng PAL sa kahit isang internatinal flight nila. Hindi talaga ako magrereklamo.

Going back, can somebody explain to me kung anong magic ang ginagamit ng mga airlines ngayon, not just Cebu Pac, para kumita pa rin kahit pa bagsak-presyo sila sa kanilang mga pamasahe? Lagi kasi akong nagbabasa ng dyaryo at nagba-browse sa Facebook, at lagi rin akong nakakakita ng mga promo sa iba’t ibang airlines.

Ang alam ko lang kasi, kino-consider na kumita na ang isang airline kapag nakapag-deliver na ng service, a.k.a. nakalapag na sa kanilang destination. So, halimbawa, papunta kang Cebu, iko-consider lang ng Cebu Pac na kita nila yung mga bayad sa kanila kapag lumapag na yung eroplano nila sa Queen City of the South.

Pero kahit anong addition ang gawin ko sa kung ilang upuan sa loob ng eroplano ang may laman, parang kulang pa rin para mabayaran yung mga empleyado nila, gasolina, puhunan, at iba pa. Wait, idagdag mo pa pala yung binabayad nila sa media kapag nagpapa-advertise. So san nanggagaling yung bulk ng kanilang kita? Or, kumikita pa ba sila? Kung hinde, bakit di sila nalulugi?

Sheth, hindi ako makakatulog nito mamaya hangga’t di ako nakakakuha ng magandang sagot. Please lang, kung alam mo ang sagot sa tanong ko, sagutin mo naman. Ayokong pumasok bukas na zombie.

Image