Lagot, bawal nang mang-asar online!

by Sankage Steno

Grabe, kahapon ko lang nalaman na napirmahan na pala ni PNoy yung Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act). Nung September 12 pa raw sya naging batas. Ibig sabihin ba nun, yung mga pang-aasar na ginawa ko online nung araw na yun e considered nang violation sa law? E pa’no kung di naman talaga ako aware na batas na sya? Oh well, innocence of the law… chu chu chu.

Ang nakakairita pa, may kasamang provision (Tama ba yung tawag ko? Di kasi ako lawyer.) on libel. So bawal na ang cyberbullying (Tama ba ulit interpretation ko?) at paninira gamit ang computer at Internet. Eto ang proof. And I quote:

Libel. — The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.

Ayan ha, I’m not sottocopying.

Oh sheth! Is that libel? Hindi ko naman sinabing si Tito Sotto yung etymology ng sottocopying. Is that considered libel? What about slander? Am I bullying him? Grabe, nakakatakot. I’m violating the law without meaning to. Makukulong na ba ako? Pwede bang magbayad na lang? Kaso wala akong pera. Lord!

Kailangan nang mag-ingat lalo sa mga pino-post ko rito sa blog ko. Baka kasi mademanda ako bigla. I can’t believe this. Kahit pala nasa bill of rights ang freedom of speech e hindi pa rin tayo ganun kalayang ipahayag ang lahat ng gusto nating ipahayag. At ‘yan ay dahil sa libel na nasa Revised Penal Code. Eto ulit yung proof ng karapatan natin na nasa saligang batas (Oha! Parang attorney na ‘ko ngayon):

Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Pa’no na ‘yan? Edi hindi ko na maaaring sabihin na panot si PNoy? Kapag kasi sinabi ko ‘yon e baka sugurin ako ng PSG. Oh no! Wait, libel pa rin ba kahit totoo yung sinabi ko? Hindi naman sa sinasabi kong panot si PNoy, pero pa’no kung totoong panot nga sya at di nya nagustuhan yung sinabi ko online? Pwede ba nya akong idemanda gamit ang bagong batas?

Dami kong tanong.

Saka pa’no yung mga reviews ng movie o book? Hindi ko na rin pwedeng sabihin na napakapangit na libro/kwento ng Fifty Shades of Grey. Makukulong ako kapag sinabi kong si Bob Ong ay di tunay na tao, bagkus ay isa syang grupo ng tao. Baka pagmultahin ako ‘pag sinabi kong there’s nothing regal sa mga movie ng Regal Films.

At pa’no na yung mga public figure na tampulan ng criticisms? Edi bawal na ring sabihing gusto kong kalbuhin si Charice? O sobrang feelingera nya sa X-Factor at nakakairita na sya? Bawal na talaga. Saka pa’no ko pa masasabing palengkera si Marian Rivera, at di bagay sa kanya ang mga virgin role? At pa’no na rin ang paglaladlad natin kay Piolo Pascual, et al. na sobrang obvious naman pero wapakels pa rin sya/sila? Pa’no na? Oh God!

Wala nang silbi pa ang pagba-blog kung may ganito nang batas. Wala na ‘kong kalayaang sabihin ang mga gusto ko talagang sabihin. Ito na nga lang yung venue ko for my thoughts, tapos ganito pa. This is the end of my Sankage Steno. It was short-lived but oh so sweet.