Buti na lang may Freedom

by Sankage Steno

Kasi kung wala, UP won’t “make 8 happ3n” this year.

Unang-una, binabati ko ang aking alma mater sa paghahakot ng lahat ng award last Saturday sa UAAP Samsung Cheerdance Competition sa Mall of Asia Arena. First time ko yatang manood ng athletic event for four hours straight, at talagang inupuan ko sya sa harap ng computer.

Sobrang saya ko kaya nung Sabado. Ay mali, masaya lang pala. Sobrang saya ko sana kung hindi pumalpak yung huling stunt ng UP Pep Squad. Pero kahit na may palpak, di naman ibig sabihin nun e talo na agad. Deduction muna sa points, syempre.

Yun pa nga ang nakakamangha. Kahit na pumalpak, nanalo pa rin ang UP. That goes to show na medyo malayo ang score ng ibang school. At nadala ito ng creativity, technicality at difficulty ng performance ng UP. Maganda naman visually yung sa iba, inaamin ko. Pero hindi lang naman pagandahan sa paningin ang laban. Maganda namang makakita ng tumbling, pero yung tumumbling paakyat at pababa ng pyramid, ibang level na yun.

I wonder kung ano pa kayang bago ang maipapakita ng UP sa susunod nilang performance? Para kasing taun-taon na lang e may bago silang pinapakitang stunts. Di kaya sila maubusan? Siguro totoo nga yung nabasa ko. Baka next time mag-levitate na yung squad. That would be so amazing … like an Amazing Grace!

Isa sa pinakanagustuhan kong part nung routine e yung binanggit ang lahat ng schools sa UAAP at ginawa ng UP yung mga signature move ng mga kalaban. Ang yabang lang! I like! Parang sinasabi lang nilang, “O, lagi nyo kaming ginagaya. Ngayon, gagayahin namin kayong lahat kasi kaya namin.” Ang yabang talaga! I’m so proud na dito ako graduate sa mayabang na university.

Mas gusto ko na kasi yung may ipinagyayabang kesa dun sa wala. Hala, ang sama ko. Ang yabang ko na rin. As if naman ako yung nagpanalo sa UP nung Sabado. Feelingero din ako e. Pero, sorry, natuwa lang talaga ako dahil UP na ang nangunguna sa tally ng panalo. Naungusan na rin sa wakas yung… never mind.

Congrats, UP!

Image