Much ado about wala lang

by Sankage Steno

Yung mga epal talagang tao, kahit anong gawin mong pagpapaliwanag, di nila maiintindihan. Mananatili silang epal hanggat di sila tinatamaan ng lintik. Minsan, sa sobrang kaepalan nila, mapepeste ka lang at mapapasuko ka sa sobrang pagkabanas.

Let this blog space be my rant-rant blah-blah blank slate for today. Ngayon lang naman. Hopefully e hindi na sya maulit bukas o kailanman. Ayoko rin namang maging tampulan lang ng inis at galit ang mga nilalaman ng blog ko.

Marami kasing tao sa paligid ko ngayon ang umaastang demigod. People who think that they are larger than life, pero in reality e epal lang talaga. Yung hindi naman nila talaga alam pero pilit pa rin nilang pakikialaman ang isang bagay dahil, of course, epal sila at gusto nilang magkaroon ng say sa lahat.

A line has to be drawn somewhere. Pero no use, kasi kahit yung line na sobrang linaw e buburahin nila just so they could trespass into your turf. For what purpose? For me, para manggulo. Simple lang naman talaga ang mga bagay kung hindi lang sila makikialam. Bakit ba kailangan pa nilang makialam sa ginagawa ko/namin gayung may sarili naman silang dapat pagkaabalahan?

Malabo ba? That’s OK. Di mo naman kailangang intindihin. Just try to imagine my wrath, frustration, disappointment, agony, anger, ad infinitum.

Eto ang biggest tanong ko: Bakit mo ba ipagsisiksikan ang sarili mo sa isang bagay na hindi naman talaga para sa ‘yo? Or eto na lang: Wala ka namang alam e, bakit ka makikialam sa ‘kin/’min? Or eto: Ano bang problema mo? Or eto: Tanga lang?

Yung kasing mga ganyang tao, sa una mo lang iintindihin. After nun, ‘pag di pa rin nagbago, santong paspasan na dapat. Para kasi syang taong nakasakay sa bangka at nagsasagwan sa sementadong kalsada. Sobrang boplox! Bopol! Inutil! Moron! Idiot! Nincompoop! Sa ibang salita, tanga! Tanga lang talaga. Epal na tanga.

Shet, galit na galit? Puso ko.

Imagine this, journalist ka pero makikialam ka sa ginagawa ng doktor dahil feeling mo mas tama yung alam mo about sa cancer. Or negosyante ka, tapos eepal ka sa mga pulis para sabihing mas alam mo kung pa’no dapat manghuli ng kriminal. Bobo ka ba? Lumagay ka sa dapat mong kalagyan.

Ay, putek! Ang haba na pala.

Eto, last na. Para sa lahat ng epal na walang alam: Mukha mo! Neknek mo! E ba’t ampanget mo? Utong mo tatlo! May nagsasalita ba? (Salamat, Manix Abrera for these kind words.)