Professor Favor

by Sankage Steno

Marami pa ring talagang professor ngayon ang humihingi ng special favors sa mga estudyante. Ang kapalit, syempre, e para pumasa yung student. Kapag hindi naibigay ang hinihingi ng prof, no choice ang student kundi ulitin next term yung subject na ibinagsak. Syempre nga naman, mas magastos yun kumpara sa isang bigayan sa prof na nanghihingi ng favor. Leche lang.

Ang istorya, may dati akong student na nagsumbong sa ‘kin kasi ibabagsak daw sya ng co-teacher ko rin dati ‘pag di sya nagbigay ng memory card, flash disk at friction pen. Sa’n ka ba naman nakahanap ng prof na ganyan? Sobrang hirap ba nila at di nila kayang bumili ng mga gamit nila? Nakakairita na nakatrabaho ko ang ganitong mga klase ng teacher. Nakakasira sa magandang imahe ng ibang mga matitinong guro, na I’m sure e marami dyan. Teacher’s Month pa man din ngayon!

Parang nung nangyari lang sa ‘kin nung high school. Ayaw pirmahan ng Hekasi teacher ko yung aking clearance dahil gusto nya e ibili ko sya ng Asian map na sobrang laki. E kung sa’n-sa’n na ‘ko naghanap na SM at bookstore pero wala talaga akong makitang Asian map na malaki. Kung di ko pa sya pinagod sa paghihintay sa ‘kin sa wala e hindi nya siguro ibibigay yung card ko.

Unfair lang sa iba na papasa ka dahil nagbigay ka ng favor? E pa’no pa yung mga naririnig kong kwento sa ibang students na hindi lang basta materyal na bagay ang hinihingi ng prof. May mga nakapagsabi sa ‘kin na marami pa rin daw talagang prof ang nakikipag-chorvahan (read: sex) sa student kapalit ng isang tumataginting na tres (passing grade sa college). Hindi ko alam kung bakit may mga student na gumagawa nun, pero mas di ko masikmura na may mga prof na ganun kababa ang tingin sa kanilang propesyon. Kadiri! Or not? Bahala ka nang manghusga.

Alam kong gusto nyong malaman kung anong school ang tinutukoy ko, pero di ko pwedeng sabihin dahil baka mademanda ako ng libel sa cybrecrime prevention act na napatupad kelan lang. Pero kung babasahin nyong maigi ‘tong sinulat ko, magkakaideya kayo kung ano yung tinutukoy ko. Kung malaman nyo, Congrats! Mag-celebrate na lang ikaw on your own. Kung di mo malaman, try and try.

Image