Karir Talk

by Sankage Steno

Nirecord ko yung talk ko kanina sa Alma Mater ko. Nakakakilabot talagang marinig yung sarili mong boses. Nakakaasiwa na nakakapanibago. Parang ibang tao ka. Parang hindi ikaw. Anyway, ginawa ko lang naman yun para i-postmortem ang sarili, o i-evaluate, saka para maorasan ko na rin kung lalagpas ba ‘ko sa allotted time.

Lumagpas nga ako.

Anyway, natuwa lang ako na kino-consider akong “successful” ng Alma Mater ko sa basic education. Hindi naman ako mayaman. HIndi naman ako sikat. Feeling sikat, pwede pa. But I think ganun talaga, iba-iba tayo ng definition ng success.

Ito ang mga natutunan ko sa pagbibigay ng speech:

  • Walang choice ang audience kundi makinig sa ‘yo kaya powerful ka, pero ikaw rin ang tampulan ng kritisismo o puna.
  • Nakakakaba talagang magsalita sa harap ng maraming tao kahit madalas mo na itong ginagawa. 
  • Kailangang mag-project nang todo-todo para hindi magmukhang mataba o para hindi mahalata yung pimple mo sa mukha.
  • Hindi lahat ay sasang-ayon sa ‘yo kaya sabihin mo lang yung sa tingin mo ay pinaniniwalaan mo talaga at, higit sa lahat, yung alam mong totoo.
  • Ang awkward-awkward kapag natapos ka nang magsalita kasi hindi mo alam kung pa’no magrereact sa reaction ng tao sa ‘yo.

Na-enjoy ko naman ang experience. Hindi naman kasi first time iyon. Sana lang nga e may bayad para may pamasahe man lang ako pauwi. Weh? Biro lang. Na-miss ko rin yung dati kong school. Wala naman masyadong senti moments. Di ako fan nun, although di ko naman sinasabing ayaw ko sa ganun.

Sana sa susunod na magbigay ako ng talk o speech e mas matalino na ako, mas “successful” at mas maraming freebies na pwedeng ipamigay. Para ‘pag may magandang feedback o tanong during the open forum, eto sasabihin ko:

“Bigyan ‘yan ng jacket!”