Happy birthday, Naruto!

by Sankage Steno

I’m sorry, muntik ko talagang makalimutan. Kung bakit naman kasi nagpakaabala ako ngayong araw. Well, it’s not yet too late. Pwede mo pa naman akong ilibre ngayon. I’m free tonight. Inom tayo sa Makati o kaya sa Mandaluyong. ‘Wag mo na ‘ko papuntahin dyan sa Japan, wala akong pamasahe. E ikaw kaya mo namang mag-tumbling papunta rito sa Pinas. Go ka na, please!

Hindi ko pa pala nasasabi sa ‘yo na inspired ‘tong blog name ko sa dream mong maging Hokage someday. Ako kasi e pangarap ko ring maging Kage ng Pilipinas, at ang magiging titulo ko e “Sankage.” Imbento ko lang yun. Di ko na lang sasabihin dito kung anong ibig sabihin nun. Ibulong ko na lang sa ‘yo mamaya ‘pag nagkita tayo. Mahirap na, baka may gumaya. Classified info pa naman ‘yon.

So I guess you have my gratitude. Pero don’t think naman na ginaya ko yung pangarap mo. Bago ka pa lumitaw sa mundo e ambition ko na talaga yun. Nagkaroon lang ng title nung pinanganak ka nung 1990s. Di ko na sasabihin yung exact year dahil baka mabisto yung edad mo. Sensitive ka ba dun? Feeling ko hindi naman. Ang lakas-lakas mo na kaya kahit teenager ka pa lang. Daig mo pa yung mga matatandang Kage ng ibang villages.

Anyway, kumusta na yung Ninja War dyan? Di nyo pa ba natatapos? Ang tagal naman. Ano bang balak mo dyan? Sinasadya mo yatang patagalin e para makapagpasikat ka pa lalo. Gaya-gaya ka pala sa ‘kin e, pasikat din. Ha ha! ‘Wag ka nang magkaila. Alam ko na style mo. Kunwari ka pang tatanga-tanga, pero ikaw naman talaga ang magaling at hindi ‘yang boyfriend mong si Sasuke.

Teka, ano na nga pala balita sa kanya? Ang huli ko kasing nabalitaan e nag-meet sila ni Orochimaru. Sila na ba? Oops, sorry. Mas mabilis kasi yung daliri ko minsan kesa sa utak ko. Kung anu-ano tuloy nasasabi ko. Pasensya na. Pero seriously, does it hurt? Alam ko love mo sya talaga, pero ayos lang ‘yan. There are many fish in the sea. Marami pang mas deserving na shinobi sa ‘yo.

Anyway, ‘wag na natin syang pag-usapan dahil hindi naman siya ang may kaarawan ngayon. So, ano na plano? Hintayin kita mamaya a? I-mental telepathy mo na lang ako. Wala na ‘kong trabaho. Kitakits na lang mamaya. Paramihan tayo ng Red Horse na mauubos! Pataasan ng score sa videoke! 

Happy birthday!

Image