UP-ADMU-DLSU Friendship Day?

by Sankage Steno

Sobrang swerte ko talaga. First time kong nakasama sa isang kwarto ang mga taga-Ateneo at taga-La Salle. Imagine that? Siguro that was unimaginable to happen three years ago. Pero ngayon, milagrong hindi nagkagulo sa loob ng room na yun. Malapit na nga ang Pasko.

Pumunta kasi ako sa forum sa UP Diliman about RH Bill at Academic Freedom. Hindi ko alam kung sinadya bang walang taga-UST sa forum na yun o sila na mismo ang nag-beg off para hindi pumunta o baka pinagbawalan sila ng kanilang Rector na pumunta sa isang secular school, na nakikipag-collaborate sa mga “cowards and lemons.” I really don’t know.

Sobrang saya siguro kung nagkataong andun din yung mga taga-UST. I can imagine yung asaran ng Ateneo at UST dun kung sakali. Congrats nga pala sa Blue Eagles. Better luck next time, Tigers. At para naman sa mga taga-UP, congratulations for being number 1… sa huli. At least we’re consistent sa standing natin sa basketball. I’m still proud of my Alma Mater.

First time ko rin kaninang nasaksihan na sabay na tumatawa at pumapalakpak ang mga Atenista at Lasalista. Ibang klaseng pangyayari yun. Naramdaman ko talagang maghahari na ang kapayapaan sa mundo finally. At least for a brief moment, napatunayan kong may chance for peace. Right, Naruto?

But let me get a bit serious here. Seryoso din naman kasi yung mga tinalakay kanina. Mag-share lang ako ng kaunti. I’ve learned the following:

  • If the problem is wrong speech, the solution is more speech (Pangalangan, 2012).
  • The term ‘Catholic University’ is an oxymoron (Contreras, 2012).
  • There is a disconnect between evidence-based arguments and CBCP statements (Racelis, 2012).
  • All of us should involve ourselves in addressing [current] issues (Velasco, 2012).
  • We have the obligation to educate our fellow citizens (Eva, 2012).

Kita nyo naman siguro ¬†kung pa’no ang tamang paraan para huwag matulad kay Sotto. Napakadali lang naman. Ewan ko ba kung bakit hindi niya magawa ‘yon. Absent ba sya nung tinuro yun sa college? Better question: Tinuturo ba yun sa Iskul Bukul o sa Bulagaan University? No need to answer, baka bumaba pa ang IQ mo. Ayokong mangyari yun sa mga readers ng blog ko.

Ilan lang yung mga nasa taas sa mga quotes na nakuha ko mula sa mga panelista. Idol talaga sina Raul Pangalangan at Mary Racelis. Ibibigay ko rin naman kay Antonio Contreras. Ngayon ko lang narinig ang pangalan nya pero may ibubuga naman pala. Hindi talaga nagkukulang ng supply ng matatalino sa Pilipinas. Kulang lang siguro ng avenue para maipamalas ito. Sayang.

Nga pala, bago ko makalimutan. May reporter na humarang sa ‘kin kaya hindi ko nakausap sina Pangalangan at Contreras. Bwisit. Pero OK lang, nangyari na. Gusto ko lang i-attribute yung sinabi ko sa kanya. Nakalimutan kong sabihin kung kanino galing. Eto sya:

“Democracy is the sound of millions of people disagreeing with each other.”

Nakuha ko sa kaibigan kong si Ms. Gregorio ‘yan na nabasa naman daw nya kay Zafra. I hope this compensates for the blatant disregard kanina to mention my source. I apologize, and I hope it’s not too late.

Image