Malinis na Hangin

by Sankage Steno

Kapag nag-stay ka sa mga kalsada sa Kamaynilaan ng isang oras, expect mo nang ‘pag nangulangot ka e meron ka kaagad na masusungkit, pero ‘pag isang araw kang naggagala sa kabundukan o sa mga liblib na lugar sa probinsya, kahit anong kalikot mo sa ilong e wala ka talagang makukuha. Kung may kulangot man e baka maputi at hindi yung maitim na nakakadiri.

Pero maswerte pa rin naman ako kahit papano dahil yung lugar kung saan ako nagtatrabaho e hindi ganun ka-polluted. Dito kasi sa BGC, walang nakakapasok na jeepney, tricycle at yung mga bus na karaniwang dumaraan sa EDSA. Karamihan dito e private cars, taxi cab at yung The Fort Bus. Kaya naman kapag nangulangot ako, hindi pa ganun kabarado ang nostrils ko.

Kadiri ba yung mga pinagsasasabi ko? Kadiri talaga. And that goes to show kung gano karumi yung nilalanghap nating hangin dito sa kabisera ng ating bansa. Just imagine kung sa EDSA ka nagtatrabaho. Or wag na sa EDSA, kahit sa Ayala na lang na medyo sosyal pa rin naman. Kahit nga dun e grabe pa rin ang pollution.

Anlaki nyang abala kasi halos araw-araw mong kailangang mangulangot dahil di na kinakaya ng mga buhok mo sa ilong na i-filter yung santambak na dumi sa hangin. Kaya dapat tayong magpasalamat sa mga buhok natin sa ilong. Kung hindi dahil sa kanila, siguradong lahat tayo e mga sunog-baga na ngayon o kaya naman e biktima na ng lung cancer. Daig mo pa ang nanigarilyo. Sana nanigarilyo ka na lang.

Speaking of sigarilyo, gano ba kalaki ang contribution nito sa air pollution? Kung pagsasama-samahin ba lahat ng naninigarilyo sa, let’s say, Metro Manila, katumbas ba nito ang polusyon sa isang maliit na bayan? I’m just curious. Kasi kung ganun nga, mas dapat na talagang isabatas ‘yang sin tax na ‘yan. Nakatulong ka na sa environment, napayaman mo pa ang Pilipinas.

Anyway, balik tayo sa pangungulangot, este sa air pollution. Ang sulfur ba o methane ay maruming hangin? Kapag ba umutot ka o dumighay, nakakadagdag ka ba sa pagdumi ng hangin at ng paligid? Kasi kung added pollution ang utot at dighay, dapat siguro patawan din ng parusa yung tahasang umuutot at dumidighay sa public places, lalo na yung hindi marunong mag-sorry o excuse me. Pero minimal lang na parusa, wag naman yung matindi. Baka maraming magkasakit o hindi na lumabas ng bahay.

Kapag ba naamoy mo yung utot o dighay, may mga small particles ba syang humahalo sa hangin at nagdudulot ng kulangot? Grabe na ang sobrang kadirian ng sulat kong ‘to. Titigilan ko na nga at baka kung san pa ‘ko mapunta. Mahirap na.