Bulul

by Sankage Steno

May bago akong inspiration ngayon. Hindi sya tao, hindi sya hayop at lalong hindi rin sya bagay. Isa syang diyos. Ang tinutukoy ko e yung rice god ng mga Igorot, yung bulul. Meron kasi akong nabili sa Banaue na miniature version. Gusto ko sana yung malaki kaya lang mahal saka ang hirap iuwi.

Sobrang natutuwa talaga ako sa bulul, at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Siguro nga dahil baka Igorot ako sa past life ko o baka naman dahil ilang beses na rin akong nagpabalik-balik sa bundok kaya na-associate ko na sya sa mga bagay na gusto ko talaga. Pwede rin naman na may spiritual connection kaming dalawa na hindi ko pa rin lubos na nadi-discover sa ngayon.

Kung ano pa man ang dahilan, masaya lang akong ibahagi sa iyo na ang bulul ay isang napakahalagang bahagi ng kultura at paniniwala ng mga kapatid nating Igorot, Ifugao, etc. Bago pa man kasi dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas, at bago pa ipakilala sa atin si Jesus Christ o si Allah, andyan na yang mga diyos ng ating mga ninuno.

ImageAnd I believe ang/si bulul ang siyang gumabay sa mga Ifugao habang ginagawa nila yung pamosong rice terraces o payo. I’m sure andyan din si Kabunyan, although hindi ko alam kung ano difference nya kay/sa bulul, o kung marami ba silang diyos. Ayoko nang isaliksik kasi tinatamad ako. Some other time na lang, or kung alam mo yung tama, i-share mo naman sa akin at/o itama ako sa sinulat ko.

Ngayon nga, nasa harap ko, sa tabi ng monitor ng computer ko sa office, yung bulul na nabili ko sa Banaue. Ang cute nya talaga. Pero yung katrabaho ko e medyo takot, creepy raw. I can’t blame her. Pero iba talaga ang tingin ko sa bulul. For me e isa syang form of art at isa ring sacred na icon. Not to be blasphemous o sacrilegious pero naniniwala akong ang bulul ay true, good and beautiful.

Imelda? Eww. I can’t believe magagamit ko sa blog ko ang motto nya sa buhay.

Enough! Tribute ‘to para sa bulul. Sana ay mas lalo pa siyang makilala ng mga tao, hindi lang yung mga nakatira sa bundok. I wish maging inspiration sya ng maraming artists sa Pilipinas. Hindi lang kasi bahay kubo o palayan ang pwedeng paghugutan ng art, try mo kasing maglibot sa bansa para mas makilala mo ang mga unang Pilipino.