Sumasagot ka pa kasi e

by Sankage Steno

Nakatanggap ako ng forwarded email mula sa isang prof na sumagot dun sa sinulat kong article para sa isang dyaryo. Kinabahan ako nung una kasi baka may kasama nang libel charge yung message, buti na lang wala. Natuwa ako na merong mga taong nagbabasa pala talaga ng gawa ko at sineseryoso. Mas nakakatuwa pa na nag-effort yung sumulat para, well, isulat yung sagot nya.

Ang tema kasi nung sinulat ko e about academic freedom. Yung sumagot e isang prof mula sa isang pamantasang kilala sa pagiging Katoliko nito. Di ko na lang babanggitin dahil baka tuluyan na akong makasuhan ng libel. Mahirap na, magpapasko. Baka maubusan ako ng pera pambayad sa piyansa at sa abogado. Buti na yung nag-iingat.

Mahaba-haba rin yung sagot nya sa sinulat ko. Nahirapan lang akong intindihin kasi para akong nagbabasa ng encyclical. Not that I’m against it, pero kasi ‘pag nagbabasa ako ng mga ganung klaseng sulat na halos clouded na ng faith at morality, minsan talaga e hindi kinakaya ng utak ko. Naintindihan ko naman yung point nya, kaso ang labo ng dating sa ‘kin. Mas ayos sana kung naging mas specific pa sya.

Lumaki naman ako sa turo ng Catholic school at proud ako dun. Ang hindi ko lang talaga maintindihan e yung parang napapalitan na yung logic nila ng mga dogma at canon. Well, bigatin naman kasi yung mga yun kung tutuusin, at influenced din naman ako ng maraming bagay na nabasa o narinig ko, pero to owe it all sa kasulatan na halos wala ka nang sariling pag-iisip, that’s not acceptable for me.

Para san pa yung pinag-aral ka kung hindi ka naman pala matututong mag-isip para sa sarili mo? Na lahat ng magiging desisyon mo sa buhay, lahat ng sasabihin at gagawin mo e nakadepende sa kung ano ang nasusulat o sa kung ano ang sinabi sa ‘yo ng mga taong “nakapagbasa” ng nasusulat. Ganun ba dapat ang bisa ng edukasyong pinaghihirapan ng magulang na ibigay sa atin?

Again, sinasabi ko namang naiintindihan ko yung punto ng nagsulat ng reaksyon sa sinulat ko. In fact, sobrang thankful ako sa kanya at talagang naa-appreciate ko yung mga taong tulad nya. Yun nga lang, nakakalungkot (o nakakatawa?) yung nabasa ko sa huling bahagi ng email. Nakita ko kasi yung email address nya. Hindi ko ilalagay dito, pero ganito yung format ng email address ng professor na nag-react:

sankagesteno_d_pogi@yahoo.com