Ping Pong Pogi

by Sankage Steno

Dahil sa isa kong kaibigan e biglang nabalik yung mga alaala ko nung grade school at high school na isa ako sa mga pambato ng school ko sa table tennis. May pinost kasi sya sa talaarawan (Talaarawan daw o?) ng Facebook ko na hiring for a writer na magsusulat about table tennis. Natuwa naman ako at ako yung una nyang naisip.

Nung grade 6 ako unang natutong maglaro ng ping pong o table tennis. Sinama kasi ako ng papa ko sa recreational center sa amin sa Bulacan. E siguro nabagot na kakalaro ng bowling, bigla syang nag-aya ng ping pong. Wala talaga akong kaalama-alam sa laro na yun, pero nagustuhan ko naman. At dahil napansin ni papa na sobrang pinagpawisan ako sa laban namin, knowing na super taba ko noon, naisipan nyang magandang exercise yun para sa ‘kin.

Nagulat na lang ako after a week siguro nang gumawa sya ng table sa bahay out of scrap woods o yung tira-tira sa pinaggawaan ng bahay namin. Maganda yung nagawa nyang table, in fairness, although hindi ako sure sa height at sa sukat nya kung tama. Amazing talaga si papa pagdating sa pagkakarpintero. Sayang lang at hindi ko namana masyado yung kaalaman nya dun.

So, ayun, naging sport ko bigla ang ping pong, at nung nagkaroon ng intramurals noong grade 6, sumali ako. To make the story short, nag-champion ako at napasama sa varsity team ng school na lumaban sa iba pang schools sa Bulacan. Hindi ako nanalo dahil sa sarili kong katangahan dun, pero it was a really good experience. Sobrang vivid nya. Hanggang ngayon naaalala ko pa yung kanya nung time na yun…

Summer Girls ng LFO.

Marami rin akong naging kaibigan nung time na yun. Medyo may divide kasi between pilot and non-pilot sections, pero nawala yun bigla nung nakasama ko silang lahat sa jeep at sa mga laban namin. Ang saya lang talaga. Nakaka-miss yung kabataan at katabaan ko noon. Pero ayoko nang bumata at tumaba. Masaya na rin naman ako sa kalagayan ko ngayon.

No regrets so far.

Hindi ko lang alam kung kelan ako huling naglaro ng ping pong. Baka nga pumurol na rin yung skills ko. Baka hindi ko na mapektusan yung bola. Baka hindi na ‘ko marunong mag-serve nang pamatay, yung hindi maibabalik ng kalaban. How I wish magkaroon ako ulit ng chance na makapaglaro ng sport ko. At sana makalaro ko ulit yung mga nakalaro ko noon. Gandang bonding din kasi.

Feeling ko rin e nakakagandang lalaki ang paglalaro ng sport. Alam mo yun, kahit hindi ka naman kakinisan o kalakasan ang arrive, ‘pag pawisan ka na at humihingal dahil sa paglalaro ng sport mo, parang nagiging pogi ka. E dahil feelingero ako, feeling ko kahit ping pong lang yung laro ko e pumopogi ako lalo.

Patawa lang? Sorry, blog ko ‘to.

Image