Long weekend sa banyo

by Sankage Steno

Hindi naman ako nagtae, pero kasi dahil walang pasok ngayon, nagawa kong magtagal sa banyo para… alam mo na… maglaba at maglinis mismo ng banyo.

Hindi ako nagyayabang dito kahit mayabang talaga ako minsan. Sa katunayan, ayaw na ayaw ko ngang naglalaba kasi anak-mayaman ako. ANAK-MAYAMAN?! Pangarap ko lang yun. Pramis, hindi ko talaga hobby ang paglalaba kahit pa mga maliliit lang yung nilalabhan ko at yung the rest e sa laundrywoman na napupunta. Yes, may laundrywoman!

Natuwa lang ako dahil sa wakas ay napagtuunan ko rin ng pansin ang paglilinis ng banyo. Hindi ko kasi magawa dati dahil nga may pasok. Pag weekend naman e pahinga lang talaga ako at bonding sa pamilya. So ngayong nagkaroon na ako ng panahon, nalinis ko na rin sya sa wakas.

Isang napakalaking achievementation para sa akin ang makitang kumikinang sa pagkaputi ang banyong parang nung isang oras lang e mapapagkamalan mo nang paitlugan ng manok. OA na kung OA pero I’m telling you, hindi sya perfect for a royal family. E bakit, dugong bughaw ba ‘ko? Pakyu ka, conscience! ‘Wag kang sumasabat lagi.

Pasensya na. Epal kasi yung isa kong personality. Feeling nya kasi witty sya kapag sumasabat at nagsasabi ng mga sarcastic remark. If I know nakuha nya lang din lahat sa ‘kin yun. Copycat lang. Tapos sasabihin nyang sya ang original? Excuse me! You’re excused. Shaddap nga!

Ayun nga, halos dalawang oras ko rin pinagkakaskas yung tiles ng banyo at binuhusan ng kung anu-anong kemikal para mawala yung mga makakapit na dumi sa dingding, sa sahig, sa pinto at sa mga suluk-sulok. Medyo mahirap din sya ha. Hindi ko kasi napag-aralan yun sa school. Puro kasi bookish mga teachers. E wala naman kaming textbook sa tamang paglilinis ng banyo. Heck, wala nga ring textbook kung pa’no maging matinong katipan. Katipan? Shaddap sinabi e!

Oo nga ‘no? Maraming di tinuro sa school na mahalaga sa pang-araw-araw na buhay. Yun namang home economics e puro pagtatahi at pagluluto ang alam. Hindi ba pwedeng turuan din kaming magkarpintero o magkumpuni ng mga simpleng sira? O kaya naman e ituro kung pa’no maging mabuting tatay, lalo na kapag nagdadalantao si misis. Sana tinuturo rin kung pa’no sumagot sa taong galit sa ‘yo o yung pinagbibintangan ka kahit mali naman sya.

Pero bago ang lahat nang ‘yon, sana talaga isama sa curriculum ang wastong paggamit at paglilinis ng banyo. For sure, lahat ng banyo sa bansa, gagastusan para maging katulad nung sa mga hotel. So sobrang kintab at linis, pwede ka nang kumain ng tapsilog sa lababo.

Image