Minsan Isang Araw

by Sankage Steno

Minsan talaga gusto kong sumpain ang araw sa sobrang init, e kaso lang, yun talaga nature nya. Para ko na ring sinumpa ang kapogian ko, e kasalanan ko ba ‘yun? Ay, susmaryosep! Pero di ko talaga kinaya ang init kanina pagalabas ng opisina, hindi naman summer. Sandali lang akong naglakad sa kalsada, tapos nanakit na agad yung ulo ko.

Feeling ko dahil biglang nalamigan nung pumasok ako sa airconditioned na building. Jusme! Siguro kung mas matanda pa ako nang bahagya, high blood na ang inabot ko, o worse, stroke or heart attack. Buti na lang at hindi pa ako ganun kagulang.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, hano. Di raw? Batukan ko sarili ko e. Sa katunayan nga nyan, gustung-gusto ko ang maaraw, lalo na ‘pag bumibiyahe o kapag nasa beach ako o kabundukan. But that is not the case kapag nasa lungsod ako. Ampotek! Naa-amplify yata ng mga konkretong kalsada at gusali yung init na dala ng araw kaya lalong umiinit. Double damage ba. Dun pa man din ako sa Ortigas pumunta kanina. Sa hukinenang Ortigas!

Ayokong-ayoko talagang pumupunta sa parteng yun ng Kalakhang Maynila. Bukod sa di ko makabisado ang lugar kahit ilang beses na akong nakapunta roon, hindi ko rin gusto yung pagkakaayos ng mga building. Parang madalian lang yung plano. At least sa Ayala, madaling magkakitaan saka mas maaliwalas ang lugar. Lalo na sa Bonifacio Global City, yun talaga ang pinakadabest sa Pilipinas, I think.

Buti na lang at nakabalik ako nang buhay sa office. Feeling ko talaga babagsak na ‘ko sa sakit ng ulo at sa init. Or baka naman feeling hot lang ako? Well, alam ko naman yun, pero this time, I know it’s not because of my innate hotness. Innate hotness daw o?

Teka, nawawala na naman ako sa sarili ko. Ibang klase talaga nagagawa ng init sa utak ko. Kung hindi ako napapaantok e lalo naman akong ginagawang sabaw.

Next time siguro dapat magbaon na ‘ko ng ice pack para hindi ako atakihin ng heat stroke sa daan. Inaalala ko e ‘pag nag-summer na naman. Patay! To think na nagkakaganito ako kapag “-ber” months. Mukhang mapapadalas ang taxi ko a. Patay! Butas ang bulsa ko nyan. Mawawalan ako ng pera panggala. Hindi ‘to maaari. In English, cannot be! Jollibee!

Image