Puro sex na lang sa Yahoo!

by Sankage Steno

Ako lang ba nakakapansin o marami lang ang nag-eenjoy? Bakit karamihan ng featured news sa Yahoo! News Philippines, sa tuwing magla-logout ako sa mail ko, e puro sex ang topic? Sino ba ang editor nila? Sya rin ba ang editor ng FHM at Cosmopolitan? Kung oo, maiintindihan ko naman.

Para lang kasing hindi sya akma. Alam mo namang maraming menor de edad ang gumagamit ng Yahoo! Mail. Tapos kapag nag-sign out sila sa mail accounts nila, yung news about sa sex agad ang bubungad? Minsan nga hindi naman talaga news. Mga How-to about sex pa yung nafi-feature. Wala bang MTRCB sa online world? Oh, rhetorical question.

Hindi ko rin ma-gets kung para san pa yung warning nila minsan. Naglalagay pa sila ng word of caution na adult content kuno, pero wala namang pipigil talaga sa ‘yo kung hindi sya pwede sa mga batang readers. Wala ring kwenta yung paglalagay ng warning. At least yung ibang porn site may dapat ka pa munang i-click bago ka makapasok. Alam ko talaga? May nakapagsabi lang kasi sa ‘kin. Napaka-judgmental mo naman.

Alam ko namang mabenta ang sex lalo na sa Internet, at yun ang dahilan kung bakit pinipili ng editor(s) ng Yahoo! News PH na yun ang i-feature sa site nila. Pamparami nga naman ng hits at ng mga makaka-view ng ads nila. Pero sana naman konting delikadesa. Maraming bata na ngayon ang gumagamit ng Internet. Ano na lang matututunan nila dun, e bawal pa naman ituro nang tama ang sex education sa school dahil wala pang RH law?

O ayan na naman, napunta na naman ako sa RH. Baka lalong dumami ang mag-unfriend sa ‘kin. Marami kasi akong kaibigan na anti-RH bill at nadi-disappoint sa ‘kin ‘pag nalaman nilang pro ako. Pero marami rin namang mature na nakakaintindi at iginagalang ang aking mga paniniwala. Yun, for me, ang worth befriending talaga. Mature mag-isip.

At speaking of maturity, sobrang pang-mature yung content ng Yahoo! News PH. Sana naman magbago ng choices ang editor(s) nila, o sila mismo yung baguhin. Hindi kasi appropriate. At least sa TV may magagawa pa, kasi may mga rate like PG, G, o SPG. Sa Internet, masyadong malaya pa. Not that I’m totally in support of sa present version ng Cybercrime Prevention Act. Booo kaya yun.

Oops, naisingit ko na naman yung ibang topic. Tama na. Baka lalong mawalan ako ng mga “friend.”

Image