Emo Blog

by Sankage Steno

Kakatapos ko lang i-export ang mga blog entries ko from Multiply to Tumblr. Hindi ako masyadong natuwa kasi hanggang 100 entries lang ang pwedeng ilipat, e naka 200 plus ako, kulang 300. Kaya naman no choice ako kundi isa-isang i-copy and paste sa Microsoft Word yung sandamakmak na sinulat ko dun simula noong 2008.

Inabot din ako ng halos dalawang oras sa pagkopya at pag-save.

Natatawa lang ako kasi nabasa ko ulit yung mga dati kong sinulat. Hindi ko naman in-expect na mapapatawa ko yung sarili ko, e medyo depressed mode nga ako ngayon. Hindi ko alam kung dala pa rin ‘to ng depression, na nababaliw na talaga ako, o sadyang nakakatawa lang talaga yung mga pinagsusulat ko noon, or both.

Natawa ako dun sa isang sulat ko about sa etymology, o yung pinagmulan, ng salitang ’emo.’ Ayokong ulitin dito yung kwento, pero to make it short, may seminaristang nagpapa-recollection sa school ko dati na nagsabing ang ’emo’ raw e nagbuhat sa salitang ‘demon.’

Hindi ko alam kung san nya nakuha yun. Siguro nag-conclude na lang sya bigla ng ganun dahil sa hitsura ng mga emo noon, yung fashion sense nila na alangang gothic at alangang punk. Ayan tuloy, napagkamalan pa silang galing sa demonyo nung seminarista.

Bilang pa-witty kunwari, nagsulat ako ng ibang etymology ng ’emo.’ Merong galing sa pandEMOnium, o kay Elmo ng Sesame Street, o sa mnEMOnics, etc. Pero ang pinakapamatay e yung huli kong suggestion, na  ang etymology ng ’emo’ e walang iba kundi ang salita/pariralang ‘LovEMObako.’

Alam kong corny sya pero napatawa ko talaga yung sarili ko nang di sinasadya. Tapos nakadagdag pa sa saya yung mga comments ng kaibigan ko dun sa blog entry ko na yun. Nakalimutan kong sa Multiply nga pala ako nagsimulang magsulat ng blog on a daily basis, at dun din ang dating tambayan naming magkakaibigan online.

Medyo nakakalungkot, at nakakapanghinayang din, na mawawala na ang Multiply come December 1. In fact, bilang pagpupugay at pasasalamat sa site na ito ay ginawa kong patungkol sa kanya ang kauna-unahan kong entry rito sa WordPress. I’m sure marami sa mga readers ko nito ngayon ang hindi pa alam yun. Una kasi. Di pa masyadong alam ng mga tao ‘tong bago kong blog.

Ang pamagat nga pala ng una kong blog entry rito e may kahawig ding titulo sa blog ko sa Multiply, pero magkaiba naman sila ng content. Mas may pagka-emo yung sinulat ko rito. Sana mabasa mo rin. Eto yung kung san mo sya mababasa: LINK.

Image