Hotel Food

by Sankage Steno

Masarap naman sya pero hindi sya yung tipong magiging paborito mo at saka hahanap-hanapin mo sa araw-araw. Ewan ko ha, pero baka naman kasi yung panlasa ko e masyado lang dugyutin. Yung kasing mga nakakainan kong hotel, feeling ko e more on sa presentation lang ng food ang laban. Pagdating sa lasa, hindi ko maintindihan minsan.

Wait, di ko sinasabing hindi masarap ha. Di ko lang maintindihan.

Hindi ko naman nilalahat. Ang sa akin lang, siguro sa 10 hotel na nakainan ko, anim ang may mga pagkaing pare-pareho ang lasa, kung may lasa man syang maituturing. Hindi kasi Pinoy treatment ang ibinibigay sa mga pagkaing sine-serve sa mga hotel. Kahit sabihin pa nilang Pinoy food sya, like halo-halo, meron pa rin silang ginagawa para maging ‘sosyal’ yung look at taste.

Assimilation yata ang tawag nila dun.

Well, di ko naman sila masisisi kung ganun nga. Siguro kasi mas catered sila sa mga foreigners kesa sa mga Pinoy mismo. Tsaka, di ko pa natitikman ang pagkain sa Spiral. Kung makapanghusga naman ako sa mga pagkain ng hotel. At may exception pala. Masarap ang desserts sa mga hotel. Dun ako pinaka-excited talaga. Panalo!

O baka naman may mga chef lang talagang hindi magaling magluto. Malabo naman yun kasi sa hotel sila. Or talaga lang nga sigurong masa ang palate ko. Palate talaga? Come to think of it, minsan tinatawanan ako ni mama kapag mas pinipili kong kumain ng isaw at betamax sa kalye kesa yung kumain sa KFC o sa Chowking. E masarap, bakit ba?

Between chicken cordon bleu o chicken feet, dun ako sa chicken feet… or not! Joke lang. Sa cordon bleu ako, pero hinding-hindi ko ipagpapalit ang Pinoy street foods kailanman. Mabuhay ang mga pagkaing kalye! Mabuhay!

Image