Paumanhin

by Sankage Steno

Humihingi ako ng pasensya sa aking sarili at sa mga nagbabasa ng blog ko dahil sobrang naging abala ako ngayong linggo, kaya di ko nakuhang makapagsulat ng blog ng tatlong magkakasunod na araw. May dumating kasing isang malaking kurikong sa buhay ko kaya naman nahirapan akong magbigay ng kahit kaunting panahon para sa espasyo ko rito.

Anyway, tapos na naman yun at feeling ko next week, hindi na ako masyadong busy. Makakapagsulat na ulit ako nang regular dito, meaning araw-araw.

In fairness naman, dahil matagal akong nabakante rito, medyo na-miss ko sya nang kaunti. Kaunti lang naman. Kaya ngayon, kahit wala namang gaanong nangyayari sa buhay ko e nagsusulat pa rin ako. Ayoko lang kasing mabakante ang utak ko, at lalong ayokong pumurol sya, so kailangang paganahin sya lagi.

May ipapakiusap nga pala ako sa mangilan-ngilang nagbabasa nito. Pasensya na rin sa abala, pero baka may kakilala kayong doktor o may alam kayong ospital na tumatanggap ng clinical trials. Kailangan lang kasi ng tita ko. Hindi ko na talaga alam kung saan ako hahanap ng solusyon sa sakit nya. Ang hirap talagang magkasakit. Hindi lang bulsa ang apektado.

So ayun, kung may alam ka, comment ka lang, o kaya punta ka sa “Tungkol” o “Dugtong” pages ko para makita kung san mo ‘ko pwedeng makausap o masabihan nang pribado. I don’t usually do this sa blog ko, pero medyo desperado na ako.

By the way, clinical trials ang hinahanap ko for my tita na may breast cancer. Kung may alam pa kayong ibang solusyon maliban sa clinical trial (medyo late na kasi yung stage ng sakit nya), better. Makakatulong pa rin kung masasabihan mo ako, kahit pa di ka sigurado dyan. Ako nang bahalang magproseso at manaliksik. Ayoko mang umasa, pero umaasa akong may maitutulong ka, dear reader.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako. Salamat!