Original Review Daw

by Sankage Steno

May nabasa akong restaurant review sa New York Times kanina, tapos natuwa naman ako kasi maganda yung review dun sa review. Imagine, review na nga lang, nire-review pa? Reviewception!

Kung gusto nyong mabasa yung sinasabi ko, i-click mo lang ito.

Nung binabasa ko yung review tungkol sa restaurant review na ginawa ni Pete Wells, naintriga ako kasi yung style daw ng pagkakasulat nya e interrogative. So tiningnan ko na rin yung review kahit tinatamad akong magbasa. 

By the way, ito nga pala yung link ng review sa review ni Mang Pete.

Ito ngayon ang catch. Inaamin ko namang maganda yung pagkakasulat sa review ng restaurant sa U.S. na sikat dahil ang mga pagkain ay ewan. Ikinagulantang ko lang (Ikinagulantang?) na yung style palang interrogative na nabanggit nung isang reviewer e patanong lahat. Ibig sabihin, yung buong essay na sinulat dun e puro questions.

Ano ngayon ang dahilan ng pagkagulantang ko? E kasi naman nagaya ako. Nung kasing high school pa ‘ko, sobrang senti kaming magkaklase, kaya naman lahat e may memento o letter sa bawat isa bago magtapos. Dahil lahat na yata ng style ng pagsusulat e nagawa ko na noon, naisipan kong ibahin dun sa isa kong kaklase na itago na lang natin sa pangalang Ricardo.

Yung sinulat ko sa kanya e letter na patanong lahat. As in! Maniwala ka kahit wala akong pruweba. Pinipilit kitang maniwala! Interrogative talaga yung style nung letter ko. Pramis, di kita niloloko! Wala pa kasing blog nung time na yun kaya di ko sya na-save sa Internet. Pero maniwala ka, patanong talaga yung letter na yun.

Ang simula ko pa nga, kung tama pagkakaalala ko, e ganito: Mami-miss ba kita?… 

O di ba, patanong sya? Sabi ko sa ‘yo e di kita niloloko. Pero wala akong maipapakitang proof. Pero totoo ang sinasabi ko. Hindi ako nagsisinungaling. Kaya kahit ayaw mong maniwala, maniwala ka, kasi hindi kita niloloko na patanong talaga yung istilo nung sinulat ko na yun. 

Conclusion: Ako ang original!

Shet, haba ng sinulat, ipipilit ko lang palang ako yung original. Di rin ako epal no? Feelingero na nga, epal pa. San ka pa? A basta, ako ang nauna at hindi si Pete!