EDSA Transmogrification

by Sankage Steno

Ang aking blog ngayon ay pinukaw ng “Scribbled” bracelets na ito.

6:17 p.m.

Naghuhumiyaw ang One Direction at si Lee Min Ho sa mga billboard sa gilid ng EDSA. Hindi humihinga ang babaeng nakadungaw sa bintana ng bus. Patay-sindi ang ilaw sa mga poste sa gilid ng daan.

Bakit sila nakatulala sa daan? Ang mga tao ay nag-aabang. Lahat may hinihintay. Sa kabila ng mga naglalakihang advertisements ay mga bakal, matigas, mainit ‘pag maaraw, malamig ‘pag maulan. Walang tumitilaok na manok.

Dalawa ang tulay sa Guadalupe. Meron sa itaas at meron sa hindi masyadong mataas. Bakit doon dadaloy ang tubig? Sa hilaga ba matatagpuan ang nawawalang kwintas ng ginang na nadukutan sa may madilim na bahagi ng kalsada? Kung gumagapang man ang ipis, hindi niya ito alam. Bumilang ka ng isa, dalawa, tatlo.

Ika-23 ng Nobyembre.

Konkreto. Konkreto. Konkreto.

Ang mga tubo ng tubig ay nakakubli sa ilalim ng lupa. Inaayos ng MMDA ang kalsada kapag buo pa at hahayaang nakatiwangwang kapag sirang-sira na. May malaking kahulugan ba ang ginagawa ng mga pulubi sa araw-araw na nagpupulubi sila? Kitang-kitang ko.

Amuyin mo naman ang paligid. Hindi sa ilong napapatotohanan ang maraming bagay. Kung minsan, lulundag ang palaka nang hindi mo namamalayan. Sa ilog na marumi, marami ang janitor fish. Or is it fishes? There are many fishes in the sea. Ilang milya lang naman at maaari ka nang lumangoy sa dagat ng basura. Minsan, hindi madalas.

Andar. Hinto. Bagal. Bilis. Takbo. Lakad. Galaw. Himpil.

Menos buto bago mag-alas balat.

Huwag kang sisigaw nang mahina. Subukan mong bumulong nang malakas. Ang pandinig ay hindi nakikita. Bulag ang pag-ibig pero hindi ang puso. Hindi nakakapag-isip ang puso. Walang pakiramdam ang utak. Saan hahantong ang tagpong ito? Abangan ang susunod na kabanata. “Ang lahat ng bagay ay magkaugnay… magkaugnay ang lahat.”

Ang lahat ay may katapusan, pero hind

Image