Kantatero

by Sankage Steno

Nung nagpunta kaming magkakaibigan sa Cebu a few years ago, may part dun na nagpunta kami sa night life district nila para pumarty. Medyo nagkaroon ng miscommunication, nagkasamaan ng loob nang bahagya, kaya naman yung isa kong friend na babae e kinuha yung earphones nya at nagpatugtog na lang sa cellphone para dedmahin yung isa ko pang kaibigan.

Dun ko nakita na effective ang music para i-block ang mga negativities sa paligid. Well, hindi naman first time na nasaksihan ko yun, pero kasi yun yung una kong naaalala kapag naiisip yung paggamit ng musika para iwasan yung mga pangit na bagay sa paligid.

Ako naman, kapag nagsusulat at ayaw gumana ng aking mga brain cells at neurons at synaptic connections at medulla oblongata at cerebrum at cerebellum, nagpapatugtog ako ng kanta sa cellphone ko, na kadalasan ay OPM, like Silent Sanctuary’s Kundiman, Summer Song, Ingat Ka.

Pero nahihilig na rin ako ngayon sa classical music kasi mas mabisa sya kapag gusto mong mag-isip. Ang pinapatugtog ko madalas e yung mga free music sa computer na hindi natin pinapansin madalas. Well, pinansin ko sya nung minsan kaya na-discover ko na maganda pala sila. I’m talking about Sleep Away at yung Maid with the Flaxen Hair.

ImageTry mo.

Pero ‘pag halimbawang nababagot ako o yung talagang sobrang stressed na dahil sa work o personal problems, dun ako mas kumakanta. Hindi ako tone deaf pero hindi ko rin naman ma-claim na pang-recording na yung boses ko. Sakto lang.

Kaya naman kapag nakakakita o nakakarinig ako ng videoke, parang sinisilaban yung puwet ko na agawin yung mic at kumanta rin. Yun nga lang, mas madalas na sa utak ko lang naglalaro yung mga pang-aagaw na yun.

Malaki ang utang na loob ko sa videoke dahil ang dami nitong naitulong sa buhay ko. Hindi ko na iisa-isahin dahil lalong hahaba ‘tong sulat ko. Suffice it to say na nabigyan na nito ako ng pera, konting fame, konting talent at maraming masasayang karanasan. Yung huli ang dabest kasi walang katumbas na halaga yun.

Nae-excite tuloy akong magbagong taon na dahil for sure, meron na naman kaming videoke sa bahay. At kahit pa gano kalakas yung pagkanta ko, ayos lang kasi nga New Year. Hindi gulo ang manggulo. Sigurado na sa listahan ko yung mga awiting Pagsubok, Silvertoes, Oo, Minsan Lang Kita Iibigin, at Masaya.

Hindi ako madamot sa videoke. OK lang kahit sabayan mo ‘ko. Hindi rin ako yung tipong nagpa-flood ng reserved na kanta. Eto secret lang, pero di na sya secret kasi sinulat ko na rito: Gusto ko yung nagpapa-request ng kanta sa ‘kin. Feeling ko kasi sikat na akong singer. Feeling lang.