Sa Ngalan ng Pag-ibig

by Sankage Steno

Gumagawa kasi ako kahapon ng feature story about sa isang hotel sa Legazpi, Albay, so nagbasa-basa ako ng kwento sa Internet about sa Mount Mayon. Tapos nabasa ko na rin sa wakas nang buo yung tungkol sa love story ni Prinsesa Magayon.

Pinag-aagawan kasi yung beauty nya kaya nagkaroon ng malaking digmaan sa tribo nila. In the end, napatay yung true love ni Magayon na si Panganoron at pati na rin siya. Inilibing silang magkasama. After a few days, tumaas yung lupa na pinaglibingan sa kanila hanggang sa maging isang bundok o bulkan. Ayun, tinawag na Mayon.

Naisip ko, meron pa bang nakikipagdigmaan ngayon nang dahil sa pag-ibig? Well, siguro may bahid ng pulitika yung kwento ni Magayon, may power struggle ding nangyari, pero ‘wag na nating ungkatin yun. Alamat na nga lang, bibigyan pa ng ibang kulay. Get a life naman.

May nababalitaan pa rin naman akong nagpapatiwakal nang dahil sa nabigong pag-ibig o hiniwalayan, tapos may mangilan-ngilang pumatay o nagpapatay dahil nalamang nagtataksil ang kanilang kabiyak o katipan. Pero wala pa akong nabalitaan sa panahon natin ngayon na maglulunsad ng isang digmaan para lamang makuha ang minamahal sa kamay ng iba.

Hindi ko naman masabi sa sarili ko na kaya kong ipaglaban nang ganun yung taong minamahal ko. I mean, ipaglalaban ko sya syempre, pero yung gagawa ako ng mas malaking gulo para lang mapasaakin sya? Parang malabo. Papatay ako para sa pag-ibig ko sa isang tao? Case to case basis ‘yan, tsong.

Nagawa ko na namang magpakatanga nang dahil sa love, pero never ko pang ginawang manakit nang sadyaan nang dahil dun. I don’t think it’s humane to do that. Naniniwala akong love, love, love, love, love makes the world go round (Powerpuff Girls, 2003), but I do not like to believe that it’s absolute.

Sana hindi ‘to mabasa ng love ko dahil baka magtampo. Yessss, may love life pala? Oo naman. Sino bang wala? Kahit unrequited pa ‘yan o nasulot na o ilang beses nang nagpapalit-palit, counted pa rin yun as love life. Unfair naman kasi kung sa fairy tales lang o yung Carmina at Zoren ang iko-consider ko. Daya.

Ikaw, anong pinakakakaiba o pinakatangang ginawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

Image