Albay Blues

by Sankage Steno

Mabuti naman at nakita ko ulit ang Mayon Volcano kahit saglit lang bago sya muling takpan ng mga ulap. That’s saying something, lalo na kung alam nyo yung local na paniniwala ng mga tao rito, which I’m not going to say. Alamin nyo na lang for yourself.

Masaya na sana ang trip na ‘to kahit biglaan, kasi hilig ko rin namang maggala kung saan-saan, pero ang hirap din pala na may ilang bagay kang inaalala. Hindi mo magawang matodo yung pagsasaya kasi nababahiran ng kaunting guilt. Hindi ito yung guilt na may ginawa kang masama; ito yung klaseng masama sa pakiramdam dahil feeling mo you don’t deserve to have what you like habang may ibang taong… you know.

Well, I can’t tell you the details here. It’s too personal. Gusto ko lang i-share yung nararamdaman ko na alam kong naramdaman mo na rin minsan. Ito nga yung sa tingin mo e hindi ka karapat-dapat na tumanggap sa isang magandang bagay dahil, halimbawa, alam mong may ibang mas deserving or dapat hindi lang ikaw ang nagsasaya.

Ang kaso lang, kahit gusto ko mang isama yung mga taong mahal ko dito sa Albay para makita yung napakagandang Mayon Volcano, hindi rin talaga maaari.

Ganun talaga. Hindi ko rin naman pwedeng sayangin ‘tong pagkakataon, lalo pa’t narito na nga ako. There’s no turning back. I may not completely enjoy the trip, pero hindi ko naman hahayaang masayang na lang at masira yung mga magagandang karanasan na maaari kong mapulot dito.

Hiling ko lang na sa susunod, wala na talaga akong maramdamang kahit katiting na guilt kapag ganitong nagta-travel ako o gumagawa ng mga bagay na gustung-gusto ko. Can this be considered as guilty pleasure? Paki-define nga sa akin yung term na yun. Nalalabuan ako e, parang mga mata ko lang. O parang yung “pag-ibig ko sa ‘yo” (Salbakuta, 2002).

Leche, napapadalas ang paglalagay ko ng citation sa blog ko a. Di na nakakatuwa. Pero buti na yun kesa magsisi sa huli. O sya, trabaho na ulit. Trabahong enjoy gawin pero nakaka-guilty pero hindi ko sasayangin kahit pa may konting bigat sa kalooban dahil buhay ko ‘to at ang dami ko pang sinasabi, shet me.

Image