Shet, ang sarap!

by Sankage Steno

Alam mo yung nakaupo ka sa may veranda, tanaw mo yung infinity pool, humahangin nang bahagya at kitang-kita mo ang nakakatakot na ganda ng Bulkang Mayon habang nagsusulat? Pucha, who’s not gonna be inspired? Sabi nga ng kakilala ko sa Sagada, “It’s difficult not to be an artist here.”

May tama ka, tsong!

Kapag ganito ba naman kaganda yung lugar at sobrang laya mong mag-isip–walang distractions at walang pollution–sa tingin ko e madali akong makakatapos ng isang libro. No, make it maraming libro. Pangarap ko pa namang makapagsulat ng libro na masasabi kong akin talaga.

Marami-rami na rin naman akong na-publish pero kasi sa dyaryo yun o kaya sa magazine o sa Internet. Meron din naman akong na-publish na group thesis sa local journal ng college ko sa UP, pero marami kasi akong kasama sa byline. Proud ako dun, sobra, pero mas magiging proud ako syempre kung ako lang ang author ng libro.

Sayang nga lang at short-lived ang paglalagi ko rito sa Legazpi, Albay. In a few hours e lilipad na kami pabalik ng Maynila. Kung mai-extend ko lang ‘to kahit isang buwan, or kahit 2 weeks lang, baka matapos ko na yung sinusulat kong nobela. O kaya naman e makapagsulat ako nang panibago. Kaya ko naman e. In fact, nakatapos ako ng isang so-so na nobela in 1 month, while nagbabakasyon from school.

Trip-trip lang yun kasi napaka-boring sa bahay. Kaya ayun, nagsulat na lang ako. Nagustuhan naman sya ng mga estudyante ko, kasi school nila yung isa sa mga settings ko. Na-publish ko na rin sya, pero sa blog nga lang. Dun sa Multiply account ko na malapit nang mawala.

Kung gusto nyong mabasa yung una kong nobela, bago pa mawala in December and Multiply, i-click mo lang ito.

Sana balang araw, magawa ko ring maging full-pledged artist gaya ni BenCab na may napakagandang property sa Benguet, lalo na yung sarili nyang museum. Sana magawa kong makapagsulat kahit pa napakapangit ng lugar o kahit pa sobrang busy ko. Ang dami kasing kalaban, but I must learn how to draw inspiration even from the nastiest things in life. I can do this!