Pikshur-Pikshur

by Sankage Steno

May bago na naman akong pinag-aaralan ngayon. Syempre, kapag matalino kang tao, dapat hindi ka tumitigil sa pag-aaral. Kahit asan ka pa, at kahit sa anong paraan pa dumating yung lesson, grab agad. Aral-aral din.

Ok, fine, tapos na po ang pagbubuhat ng bangko. Pinag-aaralan ko lang naman kasi ngayon kung pa’no gumamit ng DSLR. Ayoko naman kasing makasama dun sa mga taong porke may bitbit na camerang may napakalaking lens e feeling magaling na kahit pa yung mga kuha naman e daig pa ng mga kuha ko sa point-and-shoot na camera.

May mission kasi ako mamayang gabi. Pupunta ako sa roof deck ng isang condo along EDSA para kunan yung skyline ng Makati, with a focus dun sa Rockwell Center kasi nakasindi na yung Christmas lights nila na naka-line dun sa edges ng buildings doon. Ang ganda e! Kagabi ko lang napansin na bukas na pala lahat.

For sure, mapapa-wow na naman ako sa sarili ko kapag nakita ko ang skyline ng Metro Manila sa gabi. Kahit di pa ganun karami ang mga skyscrapers natin, maiko-consider pa rin naman na isa sya sa pinakamaganda sa mundo, pramis! Sabi kasi ng friend ko, pang-top 14 daw yung skyline ng Pilipinas all over the world. Di ko lang alam yung source nya.

Pero di na mahalaga yun. See it for yourself na lang. Umakyat ka sa isang mataas na lugar at tingnan mo ang skyline ng Makati City. Kahit yun lang, for sure magagandahan ka na. Or kung di mo naman afford na humanap ng mataas na lugar, edi i-Google mo na lang. Marami namang photos na available dyan, care of our very professional and artistic photographers.

Pangarap ko ring maging mahusay na photographer someday. I think I have the eye naman for details. Kailangan ko na lang maintindihan yung technicalities sa paggamit ng DSLR, like yung sa aperture, sa ISO, sa shutter speed, at kung anik-anik pang terminologies na kapag pinaghalu-halo na sa utak ko e nabobobo ako bigla.

Kaya naman I need more experience. Siguro kailangan ko rin ng magaling na mentor. Pero una sa lahat, kailangan ko munang makabili ng sariling DSLR. Kaya naman, please lang, regaluhan mo ako ng DSLR ngayong Pasko. Parang awa mo na. Pangarap ko talaga yun. Gagamitin ko rin naman sya sa trabaho ko as a journalist. Malaking tulong yun for sure.

Ayan ha, alam mo na kung ano ireregalo sa ‘kin. Mura lang naman yun, mga P50,000. O di ba, kayang-kaya ng bulsa mo. Di kasi kaya ng sweldo ko e. Sorry naman. At dahil alam kong reregaluhan mo ‘ko, ngayon pa lang e nagpapasalamat na ako… Teynks!

Brooklyn Bridge, New York City