Oha!

by Sankage Steno

Anong masasabi nyo sa una kong kuha as a budding photographer? Ayos ba? Hindi pa ganun ka-sharp yung kuha ko at marami pang noise pero feeling ko naman e pasado na sya. Kahit siguro 2.75, pwede na syang grade sa card.

See it for yourself…

Image

Kuha ‘yan ng Makati skyline, na medyo naka-focus dun sa Rockwell Center. Ang ganda nya kasi ngayon dahil yung Christmas deco ng mga building e uniform. Lahat e naglagay lang ng lights sa edges nung structure. Parang yung Tron lang na movie. Tapos para ring nag-aapoy yung Kamaynilaan dahil sa mga orange na poste.

Sana lang talaga makabili ako ng sarili kong DSLR para makapag-practice sa free time ko. Medyo matagal-tagal pa ang hihintayin ko habang nag-iipon. For the meantime, pagtitiyagaan ko muna ang paghiram at pagtatanong sa mga kaibigan kong mas nakakaalam sa photography para lalo akong matuto.

Hindi naman kasi masyadong mahirap basta mahusay magpaliwanag yung nagtuturo sa ‘yo at merong magandang subject na pwedeng pagpraktisan. Isa pa, marami namang tips na pwedeng mabasa sa Internet. Pwedeng-pwede mong turuan ang sarili. Yun nga lang, tiyagaan talaga sa pagbabasa at sa pag-intindi. Karamihan pa naman nun e English, walang Tagalog! Bwisit lang.

Eto pa. Sa sobrang pagka-proud ko dun sa kuha namin kagabi, ginawa ko na syang wallpaper sa office computer ko. Adik lang, di ba? Nilagay ko na rin sya sa Facebook ko para ipagmayabang. Mas adik yun, di ba? Wala lang. Masabi lang na gumamit ako ng DSLR kahit di pa ako ganun karunong.

Susubukan ko naman next time ang morning landscape, tapos yung mga moving subjects, tapos yung portrait ng mga tao, then yung sobrang liliit at yung sobrang lalayo na subject. Tapos nun, yung pagtitimpla ng ilaw na parang nasa studio. Tapos nun, uhm, ano, ahh… basta madami pa! Pero pangarap lang muna lahat yun. Mag-iipon muna ako para makabili ng magandang camera.

So help me God.