Kay O

by Sankage Steno

Buhat ka ng mahihinang braso

Patungo sa kasilyas mong nasa.

Walang butil ng pawis sa noo,

Batid naman ang luha sa mata.

 

Hindi pa matingnan nang matagal

‘Pagkat ang hirap mo’y hirap ko rin.

Dama ang lapnos ng pagpapagal

Sa sakit ng dibdib mong salarin.

 

Pilit pupukaw ang isang ngiti

Kapag kita ay tanaw sa harap.

Biro’t buti ang bigkas ng labi,

Kaibuturan naman ay hirap.

 

Ililipad kita sa salita,

Aking yaman sa Kabunyang bisa.