Isang Tipak na Nyebe

by Sankage Steno

Napansin nyo ba yung pumapatak na snow dito sa WordPress, sa may taas. Dun oh ^. Sandali lang kasi sya saka hindi masyadong pansin, unless matalas ang iyong mga mata. Ayan, wala na sya ngayon. Masyadong fleeting ang snow experience kahit dito lang sa Internet.

Ayokong magka-snow dito sa Pilipinas dahil feeling ko lang e hindi ko matatagalan ang lamig. Naman. Sa Sagada pa nga lang nangangatog na ‘ko, snow pa kaya? Pero pangarap ko pa ring makaranas ng snow. Sana sa New York ko sya maranasan para romantic, at sana may kasama akong makakayakap ‘pag natupad na yung pangarap ko na yun. Aiiyeee!

Sarap kaya nun. Ikaw ba, hindi mo ba gustong may kayakap kapag malamig? Kaya maraming tao ang ipinapanganak ng October at November kasi ginagawa sila ‘pag buwan ng Enero at Pebrero, panahon kung kelan malamig sa Pilipinas. Sige, kompyutin mo man. Tama ako. Month kung kelan gagawin ang baby plus nine months sa sinapupunan ni Inay, sakto! Ayan, Oktubre at Nobyembre ang araw ng kapanganakan. Walang mintis ‘yan!

Teka, bakit ba napunta sa buntisan ang topic ko? Snow ang pinag-usapan natin dito. Going back, ang closest experience ko sa snow e nung pumunta ako dati sa Star City. Meron kasi silang room dun na puro ice sculpture. I know, I know. Hindi talaga sya snow, pero konting gadgad na lang naman e pwede na syang ituring na snow.

Ay, wait! Meron pa pala akong experience sa snow. Halo-halo! Toinks! O bakit, ano problema? Di ba ‘pag pinarami mo naman yung ginadgad na yelo, tapos ikinalat mo sa kalsada, parang snow in the Philippines? Try mo. ‘Wag mo lang gawin ‘pag Summer at siguradong malulugi ka.

Ayan, ginutom na tuloy ako. Naalala ko yung halo-halo sa Razon’s. Sarap! Akala ko kasi dati O.A. lang yung description ng mgakilala ko sa halo-halo dun, pero nung natikman ko na, heaven! Ibang klase yung pagkapino ng yelo, parang buhangin sa Boracay.

Hay… kelan ko kaya matitikman ulit yung Razon’s halo-halo? Ang mahal naman kasi. At kelan ko kaya mararanasang gumawa ng angel sa sandamukal na snow sa paligid? Sana malapit na. Sana…