Null Talisman

by Sankage Steno

Nakakaawa naman si Sarah Geronimo. May nabasa na naman kasi akong balita sa tabloid (Yes, nagbabasa rin po ako ng tabloid.) na nagsasabing napagalitan daw sya ng mommy nya dahil sa lalaki. But to be precise, nagsabi raw sa speech nya si Sarah nung bigyan sya ng award kamakailan lang na love life na lang daw ang kulang sa buhay nya.

Mukhang harmless naman ang statement ni Sarah pero minasama yata ng mommy nya, if the data in the news is true ha. Hindi ko alam ang pinanggagalingan ng mommy ni Sarah, pero bakit ba ayaw nyang lumigaya ang anak nya? Natatakot ba siyang kapag nagkaroon ng boyfriend si Sarah e matatapos na rin ang kasikatan nito?

Hindi ba pwedeng lalo pang umariba ang karera muna? Kawawa lang talaga si Sarah, sa tingin ko lang naman, kung sakaling totoo yung mga binabalita sa dyaryo. She deserves to be happy, we all do.

And speaking of happiness, kausap ko kagabi yung isa kong kaibigan about sa happiness na ‘yan. Topic namin yung aming nalalapit na Christmas party ng barkada na for seven years nang consistent na nangyayari. Marami kasi ang nag-aabang sa party namin, kahit yung mismong hindi kasama sa barkada, dahil nga sobrang saya nito.

Infectious baga.

At marami rin daw ang natutuwa sa amin dahil simula kindergarten e magkakaibigan na kami hanggang ngayon na may mga trabaho na at may ikakasal na sa isang linggo. Super glue talaga ang bonding namin, although minsan e nate-take for granted namin ang isa’t isa dahil nga sobrang tatagal na naming magkakaibigan.

So napaisip kami, na sa ibang tao hanga sila sa bond namin pero kami minsan parang wala lang. Normal lang. Kasi nga komportable na kami sa isa’t isa. Parang ganito lang ‘yan: Lumaki ka sa isla ng Boracay kaya ang tingin mo sa beach dun e pangkaraniwan lang, samantalang sa ibang tao e sobrang ganda nya na luluwa ang pwedeng lumuwa sa katawan mo sa sobrang amazing nung lugar.

Or kung Igorot ka na lumaki sa Batad o Banaue, at pangkaraniwang bukid lang sa ‘yo yung sikat na rice terraces dun. Sobrang taken for granted pero para sa outsiders e super amazing.

Just like happiness, sabi ng friend ko. Na ang talagang magpapasaya sa isang tao e hindi yung mga bagay na andyan na sa kanya at matagal nang nae-enjoy, kundi yung mga bagay na wala sa kanya. Yung matagal na nyang inaasam-asam. 

Like sa mga mayayaman, kunwari. Dahil marami silang pera, hindi na pera magpapasaya sa kanila. Pero sa mahihirap, pera ang makakapagpasaya sa kanila dahil yun ang wala sa kanila.

Gets nyo ba? At gets nyo rin ba yung title ko sa blog na ‘to? Ako kasi medyo di ko gets. Nalalabuan din ako. Pero wala akong pakialam. Dyan ako masaya kaya ‘yan ang ilalagay ko.