Stoop down

by Sankage Steno

Meron bang stoop up? Malamang wala. Idioms nga e, at ‘pag sinabing idioms, wala syang explanation maliban sa “Ganun talaga.” Wala syang logic, kaya ‘wag ka nang magtanong kung bakit walang stoop up.

So let’s not stoop down to idiotic levels dahil nakakahiya. Halimbawa ng idiotic level: May umaaaway sa ‘yo sa public space, maraming nakakakita at alam mong wala sa lugar ang nang-aaway sa ‘yo. Sasabayan mo ba ang galit nya at gagawa ng eskandalo roon?

Kung oo ang sagot mo, nag-stoop down ka. Kung hindi, very good.

Yun naman ang technique kadalasan e. Wag kang sasabay sa galit ng iba dahil pareho kayong sasabog. At kahit nasa tama ka, ‘wag na ‘wag kang sasabog in public places kung ayaw mong magaya kay Amalayer girl o kay Barney man. Mahirap na. We live in a Big Brother world now. Kahit saan may camera.

Naisip ko lang: Kung sakali kayang payagan na ng International Idioms Federation ang stoop up, pa’no kaya ako mag-ii-stoop up? (By the way, imbento ko lang yung federation na nabanggit ko. Hindi ko alam kung may ganun talagang nag-eexist sa mundo.)

Kanina e nag-cover ako ng dalawang events at isa roon ang convention on volunteering. So marami akong nakitang booth na pwede kang mag-sign up as volunteer. Kung sumali kaya ako sa isa roon, makakapag-stoop up na ba ako?

Meron akong natipuhan kaninang booth. Natipuhan ko sya dahil cute yung tumatao roon. Pero natipuhan ko rin sya dahil maganda naman yung pinaglalaban nila, at medyo akma yung skills ko para sa hinahanap nilang mga tao. Ang tinutukoy kong volunteer group e yung Teach for the Philippines.

Kailangan mo lang namang mag-commit ng sarili for at least two years para sa training at pagtuturo sa public school sa Quezon City. Grade 3 raw yung tuturuan gamit ang K+12 curriculum ng Department of Education. Hindi talaga sya volunteer kasi babayaran ka nila sa service na irerender mo at sagot din nila ang training mo, pati na ang food, board and lodging. So masaya talaga.

Very tempting, ika nga.

Tiningnan ko tuloy yung website nila para malaman pa yung mga pinaglalaban nila sa buhay. Mukhang maganda nga at sobrang nate-tempt na akong sumali. Kaso ayokong iwan ang pagiging journalist para maging full time teacher for two years. Kung sana e pwede kong gawin pareho, gaya nung ginagawa ko noon sa Mapua, edi perfect!

Yun pa naman pangarap ko ever since college, ang magturo at magsulat sa dyaryo o magazine nang sabay.

Kaya naman ngayon, kailangan ko ng kaunti pang panahon para pag-isipan kung sasali ba ako. Hindi pa naman sure na matatanggap ako kapag nag-apply, pero ayoko namang mag-apply only to back out kapag naiba na ang mood ko. So isip-isip din. Ngayon kung interested ka sa sinasabi ko, punta ka rin sa site nila. Eto o:

http://teachforthephilippines.org/

At eto naman ang kanilang Facebook page:

http://www.facebook.com/teachforthephilippines/info

Ikaw na bahalang humanap sa Twitter site nila. Kaya mo na ‘yan.