Skrillex Mode

by Sankage Steno

Ngayon masarap makinig ng mga tugtog ni Skrillex. (In fact, kakatapos ko lang makinig ng Shout to All My Lost Boys, tapos kasunod naman ang Feed Me.) Naipasa na rin kasi sa wakas on second reading ang RH bill. Isa’t kalahating kembot na lang at maisasabatas na ito sa wakas.

I know marami ang natuwa sa pangyayaring ito, pero marami rin naman ang nalungkot. Sana lang mas mas marami ang matuwa lalo na in the long run. At sana rin, magawa na itong batas bago matapos ang taon. Magandang pamasko ito sa mga Pilipino. At for sure lalong magiging masaya kung pati na rin ang Freedom of Information bill ay sunod na magiging batas.

Hindi naman masamang humiling kaya itotodo ko na. So, please lang, ipasa nyo na po sila.

By the way, I’d like to thank my office mates for introducing me to Skrillex. Naa-appreciate ko na ngayong ang mga tugtog nya dahil sa kanila at dahil na rin sa pelikulang Wreck It Ralph. Kasama sya kasi sa soundtrack nun kaya naman na-open up dito sa office. Turns out, sikat pala talaga sya, pero di ko alam. Bobo lang.

OPM guy ako, lalo na yung mga banda, pero kahit anong genre nagugustuhan ko naman. Catholic (Adjective po ito, hindi yung religion.) ang taste ko sa music. Universal at marami, that’s what I mean.

Sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, isa syang American electronic musician and singer-songwriter. Kung alam nyo yung commercial ng Cornetto Black and White, yung may Hip Hop dancer at ballerina na sumasayaw, hindi kay Skrillex yung tugtog na ginamit dun. Dubstep sya. Gusto ko lang banggitin, bakit ba?

Pero ok din yung dubstep ha, electronic music din sya pero slightly different. Puro pang Hip Hop dance yung ganung mga tugtog. Pang-party-party! Kaya kung pupunta ka sa club, expect to hear yung mga ganung tipo ng tugtugin. Ang saya, pramis!

Back to Skrillex…

Kung gusto mo pang makarinig ng mga tugtog nya, punta ka lang sa Jango.com at hanapin mo yung discography nya dun. Kung gusto mo namang makakuha ng background info tungkol sa kanya, GMG. Or punta ka na lang sa Wikipedia. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Sus naman!

Wait, ano? Gusto mong makita ang hitsura nya? GMG nga e. Pero dahil makulit ka, pagbibigyan kita. Ginusto mo ‘yan, kaya eto, ibibigay ko. Eto sya: