Valentine’s

by Sankage Steno

In less than a week, Pasko na. Yun e kung hindi pa magugunaw ang mundo sa Biernes. Pero heto ako ngayon at nagsusulat ng anik-anik na pam-Valentine’s Day. E wala lang. Wala akong magawa e. Masama bang magsulat ng hindi naaayon sa okasyon? Saka lagi namang usong topic ang love, hindi napapanis.

Naisipan kong magsulat ng tungkol sa 2-14 dahil, bukod sa wala akong magawang matino, e nakanood ako ng The Perks of Being a Wallflower kagabi. Na-download ko lang yung movie sa Internet. In fairness, nagustuhan ko sya, at medyo na-depress din ako matapos ko syang mapanood.

Napanaginipan ko pa yata. Pero medyo erotic yung napanaginipan ko kaya hindi ko na lang idedetalye rito. Baka ma-turn on ka pa. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Tapos kaninang umaga naman, dala ko pa rin yung mild depression ko dahil sa panonood ng Wallflower. Nadagdagan pa yung depression ko nang mabasa ko naman sa Manga ng Naruto na patay na si Hyuga Neji.

Patay na si Neji!

Nakakalungkot talaga. Nahihirapan akong huminga. Sya pa naman ang pinakapaborito kong character sa Naruto na hindi bida. Sobrang husay nya kasi, tapos genius pa gaya ko, tapos pareho kaming may ano sa mata, tapos pareho rin kaming pogi, tapos pareho rin kaming mayabang, tapos pareho rin kaming mamamatay sa giyera. Feeling ko lang naman.

Kaya ayan, napasulat ako ng tungkol sa love. Hindi ito yung tinutukoy ko ha. Yung sa magazine na pinagtatrabahuhan ko yung sinasabi kong story about 2-14. In fact, hindi ko pa sya tapos. Mas inuna ko pa itong blog kasi wala pa namang deadline yung sa magazine. Matagal pa. Next year, ganyan.

Basta tungkol sya sa mga pwedeng puntahan para makipag-date nang hindi gumagastos nang malaki o hindi ka talaga gagastos. Libre! Sana ma-publish sya at sana maraming makinabang.

Hindi na ako masyadong depress ngayon dahil naisulat ko na. Hind na rin ako masyadong nabuburyong dahil may nagawa na akong may kwenta. Di tulad kanina. Malungkot na nga, bagot pa. Pamatay yung combo na yun!

Naruto 614 - Page 17