Tugonon Talaga

by Sankage Steno

Tumama ako ng isang numero sa Lotto 6/45 ngayon. Lima na lang at magiging milyonaryo na ako sa wakas. At, oo, talagang pinapa-positive ko lagi ang pag-iisip ko dahil alam naman nating lahat, kahit di pa nating aminin sa sarili, na unfair talaga ang life. At least, sinuwerte ako sa isang numero.

Speaking of swerte, congratulations din kay Janine Tugonon for winning 1st runner-up sa Miss Universe Christmas edition 2012. May pambawi na tayo sa pagkatalo ni Pacquiao. Congratulations din kay Nonito Donaire sa pagpapatumba kay Arce.

Syempre pa, Congratulations kay Miss USA Olivia Culpo. Kahit feeling nating mga Filipino e deserving talagang manalo tayo, ayos lang na USA ang nagwagi. Mas kailangan nila yun ngayon e, pam-boost ng morale. After ng shooting sa Sandy Hook Elementary School sa Connecticut at yung paghagupit ng Hurricane Sandy sa New York, bagsak pa ekonomiya nila, kailangan naman nilang ma-feel na winner sila.

Sandy

Teka, ngayon ko lang napansin. Dalawang Sandy na pala yung may koneksyon sa tragedy sa USA. Coincidence lang pero coincidence pa rin. Ang gara. For sure, maraming magulang ang hindi na pipiliin ang pangalan na yun para sa mga anak nila sa mga susunod na taon.

Anyway, let’s pray na lang na umayos na ang lagay ng USA para makabawi ang ekonomiya ng buong mundo. Maswerte nga ang Pilipinas ngayon dahil tayo e papaangat. In fairness talaga, mukhang hindi ko na kailangang maging pangulo balang araw. Mukhang magagawa na ni PNoy ang pinapangarap ko para sa bansa.

At kung mangyayari yun, mawawalan na naman ako ng pangarap sa buhay. Mag-iisip na naman ako ng bago. Ang hirap kaya nun. Akala mo madali lang mawalan ng pangarap? Hindi madali yun. Try mo kaya. So dapat thankful ka kung may pangarap ka ngayon. Ibig sabihin nun, may drive ka pa sa buhay na tuparin ang mga bagay-bagay.

Pangarap

Ang hirap kasi kapag nawalan ka ng pangarap, parang boring na ang araw-araw. Wala kang motivation para gawin ang isang trabaho o kahit anong bagay. So kung di mo pa nakakamit ang pangarap mo, be thankful. Kasi once na makamit mo na sya, tapos na. Wala ka nang nilu-look up to sa hinaharap.

At talagang nanermon ako rito. Kung san-san na napunta ang topic ko. Basta masaya lang ang araw na ‘to dahil maraming good news na dumarating. Malapit na talaga ang Pasko at end of the world. Cheers!